Mariel Padilla, ipinakita ang kanyang natanggap na regalo sa baby shower

Mariel Padilla, ipinakita ang kanyang natanggap na regalo sa baby shower

- Ibinahagi ni Mariel Padilla ang isang video kung saan isa-isa niyang binuksan ang mga regalong kanyang natanggap

- Ang mga regalo ay binigay noong July kung kailan ginanap ang baby shower para sa pinagbubuntis ni Mariel

- Ayon pa kay Mariel, ipamimigay niya ang mga regalong dumoble upang mapakinabangan ng ibang mommies

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Mariel Padilla ang video kung saan isa-isa niyang binuksan ang mga regalong kanyang natanggap noong nagdaos sila ng baby shower para sa kanyang kasalukuyang pinagbubuntis na si Baby Gabriela.

Ilan sa kanyang mga natanggap na regalo ay mga gamit pambata kagaya ng stroller, crib, changing pad, food processor at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang binubuksan niya ang mga regalo ay kapansin-pansin ang pagiging bibo ng anak niyang si Isabela na kagaya niya ay natutuwa at na e-excite sa mga regalong kanilang binubuksan.

Marami naman ang humanga sa desisyon ni Mariel na ibahagi sa ilang mommies ang mga gamit na hindi na niya gagamitin dahil dumoble.

Panoorin ang video rito:

Sa naunang ulat, marami ang naaliw sa naging reaksiyon ni Mariel sa pictures nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Iceland.

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

POPULAR: Read more about Mariel Padilla here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel