DOLE, hindi pabor sa 2 taong probationary period para sa mga empleyado

DOLE, hindi pabor sa 2 taong probationary period para sa mga empleyado

- Hindi raw pabor ang DOLE sa pagpapalawig ng probationary period ng mga empleyado

- Inirekomenda kasi ng Ang Probinsyano party list Representative na si Jose "Bonito" Singson Jr. na gawing dalawang taon ito mula anim na buwan

- Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kahit na pumasa pa ito sa Kongreso, irerekomenda pa rin nila kay President Duterte na i-reject ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi raw sang-ayon ang Department Of Labor and Employment (DOLE) na gawing dalawang taon ang probationary period ng mga mangagawang Pinoy mula sa anim na buwan.

Una nang naibalita ng KAMI na nag-file si Ang Probinsyano party list Representative Jose "Bonito" Singson Jr. ng panukalang gawin itong dalawang taon o House Bill 4802.

"Hindi namin alam ano ang dahilan kung bakit nag-sponsor ang Ang Probinsyano party-list ng a longer period of probation. With due respect, ang DOLE has a different position kasi masyado naman atang mahaba 'yan," ani Bello base sa ulat ng GMA News.

"Tama naman 'yung six months (na probationary period) without prejudice kung mayroong usapan, may agreement between the employer and employee na they can have a longer period. Otherwise dapat sundin 'yung probationary period na six months," sabi pa nito.

"After six months, regular (status), automatic na," dagdag ni Bello.

Sabi pa ni Bello, sakali mang pumasa ito sa Kongreso, ay irerekomenda pa rin nila kay President Rodrigo Duterte na i-reject ito.

"Congress will decide and of course the President. Assuming na papasa and the President will ask the Department of Labor kung ano ang posisyon namin, we will recommend a veto, kasi kawawa naman ang ating mga manggagawa," anito.

"Ayaw na ayaw ng ating Pangulo 'yung 5-5-5. 'Yung mga pasaway na employer, para hindi ka maging regular, after five months tinatanggal ka muna. After an interval of one or two months, ire-rehire ka just to avoid 'yung pagiging regular na employee," sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel