Electoral protest ni Marcos, inaasahan ni Robredo na ma-dismiss na

Electoral protest ni Marcos, inaasahan ni Robredo na ma-dismiss na

-Inaasahan daw ni Vice President Leni Robredo na madi-dismiss na ang electoral protest ni Bongbong Marcos laban sa kanya

-Ito ay matapos lumabas ang resulta ng manual voting na isinagawa ng PET

-Makikita rito na mas lumaki pa ng 15,000 ang lamang ni Robredo laban kay Marcos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inaasahan daw ni Vice President Leni Robredo na madi-dismiss na ang electoral protest na inihain ng dating senador na si Bongbong Marcos laban sa kanya.

Ito ay matapos lumabas ang resulta ng manual recount na isinagawa ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa tatlong probinsiya.

"Kami po natutuwa na nilabas na iyong resulta noong recount kasi ito naman iyong pinagtatalunan, 'di ba?

"Iyong pinagtatalunan, pinapalabas na talo kami sa recount, pinapalabas ang kung ano-anong kasinungalingan.

"The fact na nilabas na ito ng PET, nilabas na ito ng Supreme Court, masaya kami na napakita ano ba talaga iyong nangyari," sabi ni Robredo, base sa ulat ng GMA News.

Dito makikitang mas lumamang pa ng 15,000 ang lamang ni Robredo laban kay Marcos.

"Kaya ngayon na nilabas na iyong resulta ng recount, inaasahan namin na very soon idi-dismiss na iyong protesta," dagdag pa nito.

"Ang hindi ko naiintindihan kasi parang iyong pagsisinungaling, nakakahawa pala. Kasi pati iyong abogado nagsisinungaling na rin; kasi sila iyong nagpadala ng sarili nilang watchers. Mayroon silang resulta nitong recount.

"Even before ilabas ito ng Supreme Court, mayroon na silang resulta kasi mayroon na silang mga representatives doon sa recount at alam nila na lalo pang lumamang iyong boto ko," sabi pa ng VP.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel