Dating Senate President Nene Pimentel, pumanaw na sa edad na 85

Dating Senate President Nene Pimentel, pumanaw na sa edad na 85

- Yumao na ang dating Senate President ng bansa na si Aquilino "Nene" Pimentel Jr.

- Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Senator Koko Pimentel ilang oras mula nang pumanaw ang ama ngayong Oktubre 20

- Nasa ICU na ang datig senador noon pang Lunes, Oktubre 14 dahil sa pagbagsak na umano ng kalusugan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na si dating Senate President Aquilino "Nene" Pimentel Jr. matapos ang 6 na araw na pamamalagi sa intensive care unit.

Ayon sa CNN, kinumpirma ito ng kanyang anak na si Senator Koko Pimentel ilang oras mula nang mapayapa ang ama ngayong Oktubre 20.

"Our beloved Tatay Nene has joined our Creator at 5 am today Oct 20, 2019. We thank all those who have been a part of his life," ang mismong pahayag ng anak ng yumaong dating senador.

Lunes nang maglabas ng pahayag ang pamilya Pimentel na nagsasabing "is very ill and currently under treatment" ang kanilang ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Pimentel ay nagsilbi bilang Senate President mula Nobyembre 2000 hanggang July 2001.

Tatlong termino ang kanyang napaglingkuran partikular na sa mga taong 1987-1992, 1998-2004, 2004-2010.

Siya rin ang nagbuo ng Partido Demokratiko Pilipino noong 1982 at nakiisa sa Lakas ng Bayan noong 1986.

Matatandaang siya rin ang Senate President na umasiste kay dating Chief Justice Hilario Davide Jr. bilang presideing officer sa impeachement trial laban kay dating president Joseph Estrada.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel