Netizens, uminit din ang ulo sa viral video ng call center agent na 'nag-vape' sa van

Netizens, uminit din ang ulo sa viral video ng call center agent na 'nag-vape' sa van

- Viral ngayon ang video ng isang di umano'y call center agent na lakas loob na nag-vape sa loob ng van

- Nagreklamo ang mga kasakay niya dahil sa paggamit nito ng vape sa sinasakyang UV express

- Imbis na unawain ang mga pasahero, nakipagtalo pa raw umano ang lalaki kaya naisipan na raw i-video ng kapwa niya pasahero

- Maging ang mga netizens ay di napigilang maglabas ng sama ng loob sa lalaki dahil sa inasal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilang maglabas ng saloobin ng mga netizens sa ngayo'y viral na na video ng isang lalaking nag-vape sa loob ng pampublikong sasakyan.

Binahagi ng kapwa niya pasahero na si Ma Teresa Velez ang video habang pinaliliwanag ng lalaking di umano'y call center agent ang punto niya kumbakit 'tama' lang daw ang mag-vape sa loob ng van.

Ayon pa sa post, isang babaeng pasahero ang di na rin nakapagpigil at nakipag-argumento sa lalaki.

Ang punto lang daw sana ng usapan ay ang pagiging sensitibo nito sa mga kasakay at tila nawala na rin sa isip ng lalaki na nasa publikong lugar parin siya.

Mismong ang lalaki pa raw ang humiling na kunan siya ng video habang nakikipagtalakayan ng kanyang punto sa kapwa pasahero.

Dahil dito, inulan ng pambabatikos ang lalaki na nakuha pang batiin ang kanyang "mama" sa umpisa ng video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na nakaramdam na rin daw ng inis sa lalaking nag-vape sa loob ng sasakyan.

"Pagnakakabother ng iba wag na ituloy. Maging sensitive ka"
" Im a vaper, pero vaping in a public vehicle, come on man, kaya nila gusto ibann ang vaping dahil sa mga katulad mong irresponsable."
"Always remember, "don't vape where you can't smoke". Tapos."
"Di masama mag vape. ang mali eh mag vape ka sa di tamang lugar"
"I have nothing against vape. Mas in favor pa nga ako sa vape than yosi. Pero dapat di ka pwede mag vape sa mga lugar na di naman pwede mag smoke! Yan ang nakakainis sa ibang vapers. Walang disiplina."

Sa loob lamang ng halos 24 oras, nasa 750,000 na ang views ng video at mahigit 500 na rin ang mga nagkomento.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel