Babae, na-report sa HR nang mag-email tungkol sa trabaho ng lagpas sa office hrs

Babae, na-report sa HR nang mag-email tungkol sa trabaho ng lagpas sa office hrs

-Na-report sa kanilang human resource department ang babae matapos itong mag-send ng email sa kanyang kasamahan nang lagpas na sa office hours

-Ayon sa babae, na isang dating aktres sa Singapore, dalawang beses nang nangyari ito sa kanya

-Dahil dito, umaksyon na ang kanyang opisina para siguruhin na mayroong ibang pagkakaabalahan ang babae sa labas ng trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-report ang isang babaeng empleyado sa kanilang human resource department nang mag-send ito ng email sa isang katrabaho ng lagpas na sa working hours.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nagsend si Sharon Au, isang dating aktres sa Singapore, ng email sa isang kasamahang French bandang 8:00 ng gabi.

Matapos nito, ini-screen shot lang ito ng kanyang kasamahan at agad siyang inireport sa kanilang HR.

Isang taon palang nang pumunta si Au sa France para magtrabaho sa isang equity company sa bansa at hindi raw niya alam ang tungkol sa labor law dito, ayon dito sa isang panayam ng isang Chinese radio station.

Noong 2017 isang batas ang ipinatupad sa nasabing bansa na nagsasabing may karapatan ang mga empleyado dito na mag-disconnect mula sa trabaho kapag lagpas na sa office hours.

Dahil sa nangyari, pinaalalahanan ng HR nila si Au na sundin lang working hours kung may kailangang tapusin na trabaho.

Sabi pa sa ulat, naulit muli ito kay Au makalipas lang ang tatlong buwan nang mag-send siya ng text message sa isang kasamahan bandang 11:00 ng gabi para i-remind ito sa meeting kinabukasan.

Hindi pinansin ng kanyang kasamahan ang kanyang mensahe at sa halip ay ini-screenshot din ang kanyang text message at ipinadala sa HR.

Dahil dito, umaksyon na ang kanilang HR at iminungkahing humanap siya ng hobbies na mapaglilibangan kapag lagpas na sa office hours.

Binigyan din siya ng libreng movie tickets ng kompanya para mahikayat siyang magkaroon ng buhay sa labas ng trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel