Samantha Ashley Lo, kumpirmadong walang record sa passport database ng DFA

Samantha Ashley Lo, kumpirmadong walang record sa passport database ng DFA

-Kinumpirma ng DFA na walang record sa kanilang passport database ang pambato ng Pinas sa Miss Grand International na si Samantha Lo

-Nauna nang naibalita na na-deport si Lo mula sa Paris matapos itong mahulihan ng pekeng pasaporte

-Maraming nagtaka nang walang arrival photos ni Lo ang nai-upload sa social media matapos itong lumipad para sa nasabing international pageant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record sa kanilang passport database si Bb. Pilipinas Grand International Samantha Ashley Lo, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Ito'y matapos maiulat na na-deport si Lo matapos mahulihan ng pekeng pasaporte sa isang airport sa Paris, na una nang naiulat ng KAMI.

Napag-alaman ng KAMI na na-hold si Lo sa Paris ng 13 oras bago na-deport.

Ayon naman sa isang ulat ng Manila Bulletin, magbibigay ng pahayag ang pamunuan ng Bb. Pilipinas kaugnay nito.

Kasunod ito nang maibalitang walang arrival photos ni Lo ang nai-upload sa social media na ipinagtaka ng maraming pageant fans.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel