Amang pasan ang anak sa trabaho, inulan ng papuri mula sa netizens

Amang pasan ang anak sa trabaho, inulan ng papuri mula sa netizens

- Viral ang larawan ng isang ama na pasan ang anak habang nagtatrabaho

- Binahagi ng amang ito ang sitwasyon nila ng kanyang anak kapag siya ang nagtatrabaho

- Kinakailangan daw niya itong gawin upang may pambili ng gatas ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumurot sa puso ng mga netizens ang mga larawan ni Vinz Manalo Bobo kung saan dala niya ang anak sa kanyang trabaho.

Makikitang pasan sa likod ni Vinz ang kanyang baby habang kumikilos siya sa kusina kung saan daw siya nagtatrabaho.

Nalaman ng KAMI na ginagawa lamang daw ito ni vinz para raw makabili siya ng mga pangangailangan ng anak lalo na ng gatas.

Mabuti na lamang at kahit bakas sa sanggol ang hirap sa kanyang pwesto, di naman daw ito umiyak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May hashtag pa ang post na "inspired" dahil marahil sa dala na mismo ni Vinz ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap sa trabaho.

Sa kabila ng napakaraming paghangang natanggap ng tatay, may ilan din namang tila di sumasang-ayon sa pagbibitbit ni Vinz sa anak sa trabaho.

Naisip kasi ng ilang netizens na mapapagod din daw ang bata kung sa buong oras ng pagtatrabaho ng ama ay pasan niya ito.

Sana raw ay nasa tahanan na lamang ang bata at malayang nakagagalaw roon.

Gayunpaman, umani ng nasa 4,500 na positibong mga reaksyon ang post at napabilib sila sa sipag at diskarte ng amang ito para sa kanyang pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel