Mister na OFW, umuwi ng Pinas at nagsuot ng pang-mascot para surpresahin ang misis

Mister na OFW, umuwi ng Pinas at nagsuot ng pang-mascot para surpresahin ang misis

- Todo effort ang isang OFW na mister para masurpresa ang mahal niyang pamilya na naiwan sa Pilipinas

- Muntik pang magalit at tuluyang magduda ng misis nang di makapag-online ang mister na nagbiyahe na pala pauwi ng Pinas mula sa Singapore

- Walang kaalam-alam ang misis na tapos na pala ang kontrata ng mister kaya di niya talaga inaasahang mapapaaga ang uwi nito

- Maging ang mga kasabwat nilang mga kamag-anak ay nakisakay sa gimik ng mister na nagawa naman nila ng matagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang nakakatunaw ng pusong surpresa ng OFW na si Raymond sa kanyang misis kung saan nag-costume pa umano siya bilang isang mascot.

Binahagi ng misis sa YouTube nitong Fernacia vlogs ang matagumpay na kinalabasan ng gimik ng mister.

Nag-umpisa raw ito nang sabihin ng mister na si Raymond na masama ang kanyang pakiramdam at magpapahinga lamang siya kaya matagal itong hindi naka-online.

Iyon pala, flight na pala nito pauwi ng Pilipinas. Walang kaalam-alam ang misis na tapos na pala ang kontrata ng mister kaya naman napaaga ang uwi nito.

Kasabwat na rin ng Raymond ang mga kamag-anak nilang kasama sa kanyang surpresa.

Isa sa mga tiya nila ang nagkunwaring may investor na ipakikilala sa misis ni Raymond at agad naman nilang napaniwala ito.

Samantala, sa mismong araw ng surpresa, tila nagduda pa ang misis kumbakit matagal nang di nakakareply ang mister sa mga text nito.

Lingid sa kanyang kaalaman, nasa Pilipinas na ito at naghahanda na ng kanyang kakaibang pagbabalik.

Pinalabas nilang anibersaryo ng branch ng Max's sa Davao kaya naman may pa-mascot sa araw na iyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi alam ng misis na ang mascot pala ay ang kanyang mister.

Kaya naman laking gulat nito nang tanggalin ni Raymond ang suot sa ulo na bahagi ng costume.

Bakas ang kaligayahan ng misis na naliwanagan na sa mga nangyayari.

Natuwa at naantig ang mga netizens sa eksenang ito kaya naman umabot na ng mahigit 2 million ang views ng naturang video.

Di raw kasi talaga madali ang maging OFW at maiwan ang mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas.

Kaya naman napakalaking bagay para sa kanila ang mga surpresang gaya nito dahil walang katumbas ang kasiyahang makasama muli ang mga mahal sa buhay.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel