Kasambahay, nakahiwalay sa amo at walang pagkain sa Jollibee ayon sa 1 netizen

Kasambahay, nakahiwalay sa amo at walang pagkain sa Jollibee ayon sa 1 netizen

- Isang nakalulungkot na larawan o pangyayari ang viral ngayon sa social media tungkol sa pagtrato ng isang pamilya sa kanilang kasambahay

- Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang kasambahay na nakahiwalay ng mesa sa kanyang mga amo

- Habang kumakain daw ang pamilyang pinagsisilbihan ay nakaupo naman sa 'di kalayuan ang matandang kasambahay na inabutan lamang ng isang basong softdrinks

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalulungkot ang isang pangyayari na ibinahagi ng isang netizen sa Twitter tungkol sa pagtrato ng isang pamilya sa kanilang kasambahay.

Sa isang tweet ng netizen na si @moniiinay, ibinahagi nito ang larawan kung saan makikita ang isang matandang babae na umano'y kasamang pumasok ng isang pamilya sa Jollibee.

Ayon sa uploader, umupo ang kasambahay 'di kalayuan sa mesa ng pamilya at tanging isang baso ng softdrinks lamang ang inabot dito.

Sa isang article ng Definitely Filipino kung saan naitampok din ang viral tweet ng uploader, sinenyasan pa raw ni @moniiinay ang kasambahay kung ayos lang ito at isang ngiti lamang ang ibinigay nito sa kanya.

May mga ilang netizens naman ang nagsabing baka raw mayroon ding ibinigay para rito.

Ngunit depensa naman ni @moniiinay, naunang umalis ang pamilya at kasambahay sa kanya kung kaya naman nakita niya ang buong pangyayari.

"Gurl, di nila isinama sa table nila iyong kasambahay nila tapos softdrink lang binigay sa kanya. Bakit ganyan?", ayon sa tweet ni @moniiinay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel