Gretchen at Marjorie Barretto, nagkomprontahan nang muling magkaharap

Gretchen at Marjorie Barretto, nagkomprontahan nang muling magkaharap

- Nagkomprontahan nang muling magkaharap ang magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto ayon sa mga ulat

- Nagulantang ang lahat nang diumano'y tumanggi si Marjorie na makipagkamay sa kanyang ate

- Ito ay matapos himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gretchen na kamayan ang nakababatang kapatid

- Sinubukan naman diumano ni Gretchen na pagbigyan ang hiling ng pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May naganap palang komprontahan sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto sa lamay ng kanilang ama.

Ito ay matapos ang napabalitang pagbisita ni Gretchen kung saan nakitang nagkayakap sila ng kanyang ina na nauna nang naiulat.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nangyari ang sagupaan ng magkapatd sa lamay ng namayapang ama kung saan nagkataon ding dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi naman diumano naging maganda ang paghaharap nina Gretchen at Marjorie.

Hinimok ng pangulo si Gretchen na makipagkamay sa kanyang nakababatang kapatid na si Marjorie bilang paggalang na rin sa alaala ng yumao nilang ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa source na nakasaksi sa pangyayari, sinubukan diumano ni Gretchen na pagbigyan ang pangulo at siya naman daw ang mas nakakatanda.

Gayunpaman, tumanggi umano si Marjorie at inakusahan si Gretchen na plastic, porke nandoon ang presidente.

Hindi pa umano natapos dito ang gulo dahil sinugod daw si Gretchen ng isa sa mga pamangkin niya habang nakikipag-usap siya sa kanyang mga kaibigan.

Pinigilan daw silang magkasakitan ng mga miyembro ng Presidential Security Group. Ayon pa sa witness, nabigla ang pangulo sa nasaksihan dahil hindi niya inasahan ang pangyayari.

Kinumpirma naman ni Gretchen ang pangyayari sa kanyang inilabas na statement sa ABS-CBN News, "It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown.

Kinumpirma din niyang hinimok ng pangulo ang kapatid na makipagkamay sa kanya “was asking Marjorie to shake my hand for the sake of respect of my father.”

"But Marjorie was not happy that I was there to reunite with family,” saad niya.

Si Gretchen Barretto ay isang artista na inilunsad ng Regal Films. Siya ang nakakatandang kapatig nina Claudine at Marjorie Barretto at tiyahin ni Julia at Claudia Barretto.

POPULAR: Read more about Gretchen Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel