Ex-BF, buong tapang na dumalo sa kasal ng dating nobya

Ex-BF, buong tapang na dumalo sa kasal ng dating nobya

- Dumalo ang dating nobyo sa kasal ng ex-girlfriend niya

- Kalmado pa itong nakipag-kamay sa napangasawa ng dating kasintahan

- Nag-peace sign lamang ang lalaki ngunit kalaunan ay nakipagkamay din

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang tagpong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang di pangkaraniwang sitwasyon ang naganap sa Malaysia kung saan nakuha pang dumalo ng ex-boyfriend sa kasal ng kanyang dating nobya.

Nalaman ng KAMI na lakas loob na pumunta ang dating nobyo sa kasal hindi para manggulo.

Katunayan, lumapit pa ang lalaki sa bagong kasal upang batiin ang mga ito sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ayon sa Juan Tambayan, isang kaibigan pa ng ex-BF ang kumuha ng video sa kaganapan sa pag-aakalang magiging katawa-tawa ito.

Ngunit imbis na magkagulo, "peace sign" ang ginawa muna ng groom bago tuluyang kamayan ang 'ex' ng kanyang bride.

Bakas man sa mata ng ex-bf na ito ang kirot, kita rin naman sa kanyang ngiti na masaya na ito para sa dati niyang nobya.

Samantala, sa ilan pang mga larawan, makikita ang pagkailang ng bride matapos makita ang dalawang lalalki na magkaharap.

Ex-BF, buong tapang na dumalo sa kasal ng dating nobya
source: Twitter
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila nakahinga na lamang siya ng maluwag nang makitang nagkamay ng maayos ang dalawang lalaking naging bahagi ng kanyang buhay.

Maging ang mga netizens daw ay naloka sa ganap na ito dahil di ito pangkaraniwan lalo na kung ito ay nangyari dito sa Pilipinas.

Marahil daw, talagang magkaibigan naman ang bride at ex-BF kaya naman nakadalo ito ng kasal.

Humanga naman ang karamihan dahil sa pagrespeto ng bawat isa at naging maayos din naman ang kasalan na walang nangyaring kaguluhan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica