Pia Wurtzbach, nahihiyang ipakita ang kanyang mga branded na gamit

Pia Wurtzbach, nahihiyang ipakita ang kanyang mga branded na gamit

- Pia Wurtzbach, nahihiyang ipakita sa 'The Gold Squad' ang kanyang mga branded na gamit

- Binag raid kasi nina 'Kadenang Ginto' stars Andrea Brillantes at Francine Diaz si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanilang vlog

- Inamin ni Pia na hindi raw siya komportable na ipakita ang kanyang mga mamahaling designer items

- Marami namang netizens ang agad na nag-react sa vlog na ito ng 'The Gold Squad.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pia Wurtzbach, nahihiyang ipakita sa 'The Gold Squad' ng 'Kadenang Ginto' na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz ang kanyang mga branded na gamit sa bag raid na ginawa ng dalawa para sa kanilang vlog at spotted ito ng KAMI.

Pia Wurtzbach, nahihiyang ipakita ang kanyang mga branded na gamit

Source: YouTube/The Gold Squad
Source: Instagram

Ani pa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kina Francince at Andrea:

“Nahihiya ako kapag masyadong branded."

Ito ay dahil tinanong siya ng dalawang mga batang aktres na ipakita ang kanyang mga mamahaling branded items.

Sinagot naman ni Andrea si Pia ng:

“Kami nga po ‘yung nahihiya [sa inyo].”

Ipinaliwanag naman ni Pia kung bakit siya nahihiyang ipakita ang kanyang mga designer items.

“Ako ‘yung nahihiya kasi parang ang yabang ko naman, di ba? [Na parang] ‘O ayan, tingnan niyo ‘yung gamit ko.’ Na-conscious ako tuloy."

Sinabi naman ng dalawa kay Pia na style peg nila siya kaya gusto nilang ipakita ito niya at hindi naman siya magsho-show off siya tungkol dito.

Ayon pa kay Andrea:

“Ako rin po favorite ko ang Chanel kaso wala po akong pambili. Favorite ko po pero hanggang tingin pa lang.”

Saad naman ni Francine:

“Gusto ko po ‘yung mga pinakita niyo kasi kayo po ‘yung peg ko paglaki ko.”

Bumuhos naman ang maraming reaksyon mula sa mga netizens sa vlog na ito ng 'The Gold Squad.'

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Speaking of bags, nagpakita naman si Asias' Songbird ng kanyang luxury bag collection sa 2nd vlog niya sa YouTube na aming ibinahagi dito.

Pia Wurtzbach, model, actress, at ang hinirang na Miss Universe 2015. Siya rin ang co-host ni Billy Crawford sa katatapos lang na World of Dance Philippines at bumida rin sa ilang mga TV shows at pelikula.

POPULAR: Read more news about Pia Wurtzbach here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel