Aga Muhlach, inamin na pinormahan ng konti si Alice Dixson noon pero di raw nanligaw

Aga Muhlach, inamin na pinormahan ng konti si Alice Dixson noon pero di raw nanligaw

- Aga Muhlach, inamin sa presscon ng pelikulang pinagsasamahan nila ni Alice Dixson ngayon na pinormahan ng konti ang aktres pero di raw nanligaw

- Tinanong kasi si Aga kung gaano katotoo ang bali-balita noon na niligawan niya si Alice

- Sinagot naman ito ni Aga na aniya, nagandahan talaga siya kay Alice

- Normal lang naman daw iyon sa mga lalaki na nagagandahan sa babae at inamin na pinormahan niya ng konti ang aktres pero wala raw ligaw na nangyari

- At dito ay nasabi ni Alice na "mutual admiration" daw iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aga Muhlach, inamin sa presscon ng 'NUUK,' ang pelikula na pinagsasamahan nila ni Alice Dixson ngayon na pinormahan niya ng konti ang aktres pero hindi raw siya nanligaw dito at spotted ng KAMI ang nakakaaliw na interview na ito.

Tinanong si Aga Muhlach entertainment press kung nanligaw daw ba siya kay Alice Dixson noon dahil may bali-balita raw dati tungkol dito.

Sagot naman ni Aga:

"Parang wala naman, hindi naman ligaw eh. Kasi parang lahat naman sa’kin dati eh, di ba. Normal naman siguro, hindi naman sa chick boy ka pero lahat ng lalaki, gusto babae. Parang ‘pag may nakasama ka, ang ganda nito, nagagandahan ka, poporma ka ng konti."

Sinigundahan naman ito ni Alice Dixson ng, "mutual admiration."

At sinundan ni Aga ng:

“Parang gano’n, nagagandahan ka, parang pa’no ba ako manliligaw? Parang gano’n pero wala naman. Bwisit nga siya sa’kin noon eh. Galit pala siya sa’kin noon, ang tingin niya raw sa’kin no’n, mayabang."

Dugtong naman ni Alice na tinatawanan na lang daw nila ito ngayon.

Patuloy naman na pahayag ni Aga:

“Oo naman, wala naman ano yun, parang dati we were all going through a lot like sabi ko nga, rebel days ko ‘yun… mga lost days ko in the industry that people do not remember or people don’t even know but I had those times [during the late 80s]."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumida naman ang walang kupas na ganda ni Alice Dixson kamakailan sa 'Super Fab at 50! 5 Beautiful Pinay celebrities na walang kupas ang ganda sa edad na singkwenta.'

Aga Muhlach, multi-awarded actor at isa sa mga tinitingalang aktor ng pinilakang tabing na ikinasal kay Charlene Gonzales noong 2001 at may maganda at gwapong twins na sina Atasha at Andres.

Si Alice Dixson naman ay masaya na rin sa kanyang buhay misis kasama ang non-showbz guy.

POPULAR: Read more news about Aga Muhlach here and Alice Dixson here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel