6 Sikat Pinoy stars na nakaranas ng pangmamaliit o pangdedeadma sa mga high-end stores

6 Sikat Pinoy stars na nakaranas ng pangmamaliit o pangdedeadma sa mga high-end stores

6 Sikat na mga Pinoy stars na napag-alaman ng KAMI na nakaranas pala ng pangdedeadma o pangmamaliit sa mga high-end stores dito at sa labas ng bansa.

6 Sikat Pinoy stars na nakaranas ng pangmamaliit o pangdedeadma sa mga high-end stores

Source: Instagram/Sharon Cuneta/Toni Gonzaga/Regine Velasquez
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan nga ang pagsiwalat ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang vlog sa di kaaya-ayang nangyari sa kanya sa isang sikat na high-end store sa New York na talaga namang ikinawindang ng mga netizens kaya naman nag-viral ito.

Pero ang nakakaloka ay hindi lang pala si Songbird ang naka-experience ng ganito dahil marami-rami na ring mga sikat na Pinoy celebs ang nakaranas na pala ng ganito at ang iba ay dito pa sa ating bansa.

Kaya ngayon, ating silipin ang 6 sa kilalang mga Pinoy stars na nakaranas rin ng pang-iisnab o diskriminasyon sa mga mamahaling tindahan.

1. Giselle Sanchez

Isa sa unang nagbunyag ng kanyang di kaaya-ayang karanasan sa isang high-end store ay ang singer-TV host-columnist-comedienne na si Giselle Sanchez.

Ang nakakalokang experience na ito ay ikinuwento ng UP magna cum_laude kay Kara David sa Powerhouse noong 2014.

2. Ariel Rivera

Hindi lang ang ating mga Pinay celebs ang naka-experience ng pangdedeadma o pamamaliit sa isang high-end store dahil may mga male stars rin na nakaranas ng pang-iisnab at isa na rito ay si Ariel Rivera.

Ibinunyag ni Gelli de Belen ang nakakawindang na kuwento sa likod ng kanyang luxury bag na binili ng mister sa Milan, Italy.

Hindi raw pinansin si Ariel ng mga salesclerks ng nasabing high-end store pero noong nalaman ng Pinoy producer na nag-imbita sa award-winning singer ay hinatak pabalik ito sa loob ng tindahan at sinumbatan ang mga salesclerks at sinabihan na sikat na artista ito sa Pinas at kayang-kayang bumili kahit ilang bags pa ito.

Napahiya raw ang mga salesclerks at biglaang binigyan ng special treatment si Ariel. Kalaunan ay binili nga ni Ariel ang pinakamahal na bag sa nasabing tindahan para kay Gelli, ayon pa sa balita na una naming naispatan sa GMA News Online.

3. Isabel Oli

Di rin nakaligtas ang dating Kapuso star na si Isabel Oli ng parehong pangdedeadma sa isang sikat na high-end store at ito ay nangyari dito sa Pinas sa high-end shop sa Greenbelt sa Makati City.

Hindi raw inasikaso si Isabel doon dahil tila hindi raw ito nakilala at kinabukasan nito ay bumalik si Isabel kasama ang ex-boyfriend na si Paolo Contis at dito raw ay pinangaralan ng huli ang mga salesclerks ng nasabing tindahan, ani pa sa ulat na naispatan namin sa GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Toni Gonzaga

Isa sa pinakasikat at minahal na celebrity weddings ay ang kasalan nina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Kitang-kita rin kung gaano kaganda ang wedding gown na nabili ni Toni sa Hong Kong na gawa ng isang sikat na designer pero may nakakalokang experience pala ang Ultimate Multimedia Superstar dito.

At ito ay ikinuwento niya sa TV premiere ng kanyang wedding sa ABS-CBN.

5. Sharon Cuneta

Pati rin pala si Megastar Sharon Cuneta ay naka-experience rin ng pangdedeadma sa isang sikat na brand sa Hong Kong rin gaya ni Toni Gonzaga.

At tatlong beses na rin ito na nangyari sa kanya. Silipin dito - 'Sharon Cuneta, minaliit ng sales rep sa isang mamahaling store sa Hong Kong' - ang interview niya sa TWBA.

6. Regine Velasquez

Winindang ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang mga netizens at kanyang mga “vlangers” sa kanyang first-ever vlog nang ibunyag niya ang nakakalokang kuwento sa likod ng isa sa pinakamahal na luxury shoes na nabili niya.

Dineadma ang beauty ni Songbird kaya ang ending ay napabili siya ng 20 pairs sa kabilang tindahan at nang bumalik sa nasabing high-end store na nangdeadma sa kanya ay agad-agad na pinagbentahan siya.

Panoorin ang rebelasyon na ito dito – ‘Asia's Songbird Regine Velasquez, ibinunyag na dineadma ng isang super sikat na high-end brand’

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel