Ilang katao, patay dahil sa lindol; mahigit 20, naiulat na nasaktan

Ilang katao, patay dahil sa lindol; mahigit 20, naiulat na nasaktan

- Dalawang bata ang naiulat na namatay dahil sa magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa Mindanao nitong Miyerkules

- Hindi naman bababa sa 20 katao ang naiulat na nasaktan dahil sa trahedya, isa sa kanila ang nagtamo ng matinding pinsala

- Ilang lugar din ang nagkansela ng klase ngayong araw para tiyakin ang kaligtasan ng ilang lugar doon

- Ayon pa sa mga awtoridad, maraming kabahayan ang nasira dahil sa lindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang bata ang naiulat na nasawi dahil sa lindol na yumanig nitong Miyerkules, October 16.

Patay ang 7-anyos na bata sa Tulunan matapos itong mabagsakan ng gumuhong pader ayon kay Mayor Reuel Limbungan.

Naisugod pa raw ito sa ospital ngunit nasawi rin kinalaunan.

Dalawa naman ang naiulat na nasaktan sa lugar ayon din sa alkalde.

Samantala, isa namang 5-anyos sa Magsaysay, Davao del Sur ang nasawi rin dahil sa lindol ayon naman sa mga awtoridad.

Mahigit 20 katao rin ang naiulat na nasaktan matapos silang mabagsakan ng mga nahuhulog na bagay. Isa sa mga ito ang nagtamo ng matinding pinsala.

Nagkansela naman ng klase at pasok sa munisipyo si Mayor Limbungan upang tiyakin na maayos ang mga istruktura roon.

Samantala, ayon sa ulat, maraming bahay ang nasira dahil sa pagyanig na naramdaman.

Sa isang ulat ng KAMI, ilang kaganapan sa kasagsagan ng lindol ang aktwal na nakuhanan pa ng mga videos.

Naitala ang sentro ng lindol sa North Cotobato na may lakas na 6.3 magnitude, bandang 7:37 pm. Naramdaman din ito sa ilang karatig lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel