Mga aktwal na kuha sa kasagsagan ng lindol nitong Miyerkules, nakakakilabot

Mga aktwal na kuha sa kasagsagan ng lindol nitong Miyerkules, nakakakilabot

- Ilang aktwal na kuha ng video sa kasagsagan ng lindol nitong Miyerkules ang nagpakilabot sa maraming netizens

- Nangyari ang lindol bandang 7:37 ng gabi at naitala ang sentro nito sa North Cotabato

- Matindi ang iniwang pinsala ng lindol na naramdaman din sa ilang karatig na probinsiya

- May mga naitala ring aftershocks ayon sa mga ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakakilabot ang mga kuha ng video sa kasagsagan ng lindol nitong Miyerkules na yumanig sa ilang parte ng Mindanao.

Sa isang video mula sa ABS-CBN News, nasa sala ang isang batang babae kasama ang lolo nito sa Tulunan town nang lumindol.

Agad na napatakbo ang bata sa tabi ng kanyang lolo habang umuuga ang kanilang bahay. Kita rin ang pagbagsak ng kanilang mga gamit.

Sa isa namang video mula sa Philippine Star, aktuwal ding nakuhanan ang nangyari habang lumilindol sa SM General Santos.

Maririnig pa ang mga tao roon na nagsisigawan at napapadasal na lamang sa takot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naitala ang sentro ng lindol sa North Cotabato at may lakas na 6.3 magnitude bandang 7:37 pm na una nang naiulat ng KAMI. Wala namang naiulat na tsunami alert ayon sa mga awtoridad.

Matinding pinsala naman ang iniwan nito sa ilang lugar.

Naramdaman din sa ilang karatig na lugar ang lindol na sinundan pa ng ilang aftershocks ayon sa mga ulat.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel