Magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao, nagdulot ng matinding pinsala sa lugar

Magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao, nagdulot ng matinding pinsala sa lugar

- Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang North Cotabato at ilang bahagi ng Mindanao

- Naganap ito bandang 7:37 ng gabi, Oktubre 16 na may layong 22 kilometro mula sa Tululan town na may lalim na 15km

- Matinding pinsala ang naiwan nito sa ilang gusali ng mga apektadong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabulabog ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong gabi dahil sa magnitude 6.3 na pagyanig na nagdulot ng matinding pinsala sa ilang gusali roon.

Ayon sa ABS-CBN News, naramdaman ang pagyanig bandang 7:37 ngayong gabi, Oktubre 16 na may layong 22 kilometro mula sa Tululan town na may lalim na 15km.

Nalaman ng KAMI na bagaman at malakas ang pagyanig na naramdaman, wala namang tsunami warning sa lugar.

Samantala, ilang gusali ang nagkaroon ng matinding pinsala sa lakas ng paggalaw na nangyari.

Tulad na lamang ng Cor Jesu College na nagkaroon ng mga bitak ang pader at halos gumuho na ang paaralan.

Binahagi ng GMA News ang larawan ng paaralang kuha ni Sam Joel Nang na estudyante ng paaralan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang mall naman sa Davao ang natuklapan ng kisame at nagkaroon din ng matinding sira kahit pa sandali lamang ang pagyanig.

Ilang lugar ang nakaramdam ng paglindol tulad ng Kidapawan City, Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani, Kiamba, Sarangani; T'Boli, South Cotabato; General Santos City, Cagayan de Oro City; Gingoog City, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Misamis Oriental at Dipolog City; Bislig City.

Nilarawan ng Phivolcs director Renato Solidum ang lindol na "moderately strong" kaya naman ilang aftershocks din ang naganap.

Wala pang nai-ulat na nasaktan sa pangyayari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel