OFW, bumalik ng Pinas para ibigay ang kidney sa inang may cancer

OFW, bumalik ng Pinas para ibigay ang kidney sa inang may cancer

- Iniwan ng OFW ang magandang trabaho niya bilang caregiver sa Cyprus para dugtungan ang buhay ng ina

- Di nagdalawang isip ang anak na OFW na ibigay ang isa niyang kidney sa inang may stage 3 chronic kidney disease

- Naging emosyonal ang lahat ng nasa studio ng Wowowin sa kwento ng buhay ng mag-inang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakatunaw ng puso ang tagpo sa Wowowin kung saan ang isa sa mga contestant na OFW ay umuwi para lamang ibigay ang isa niyang kidney sa inang may stage 3 chronic kidney disease.

Nalaman ng KAMI na isang caregiver si "Tin" sa bansang Cyprus. Sa kabila ng maayos na trabaho roon, umuwi siya ng Pilipinas upang alagaan naman ang sariling ina.

Di na raw kasi kakayanin ng dialysis ang sitwasyon ng kanyang nanay Edna at kailangan nito ng bagong kidney.

Di nagdalawang isip si Tin na siya mismong ang maging donor ng kidney na kakailanganin ng ina upang madugtungan pa ang buhay nito.

Laking pasalamat ng ina sa anak niyang ito at marami daw itong naitulong sa kanilang pamilya.

Sinakripisyo raw kasi ni Tin ang pansariling kaligayahan, mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kanilang pamilya gayundin ang kanyang sariling anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa ina, kasama rin nila ang bunsong kapatid ni Tin na malaki rin ang pasasalamat sa kanyang ate.

Mas lalong bumaha ng luha sa studio ng programa nang magbigay na ng mensahe si Tin para sa ina.

Sinabi kasi nitong kulang pa ang kanyang kanyang kidney sa mga sakripisyo nito na ginawa para sa kanilang pamilya.

Ang kanyang ina rin kasi ang nagbangon daw sa kanya nang minsan siyang nadapa.

Umapaw ang emosyon sa programa na nagpapakita ng tunay na pagmamahalan ng isang pamilya Pilipino.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel