BF, nagpropose sa GF sa Jollibee habang nagdiriwang sila ng 10th anniversary

BF, nagpropose sa GF sa Jollibee habang nagdiriwang sila ng 10th anniversary

- Marami ang kinilig sa kakaibang wedding proposal na ginanap sa Jollibee Rosario

- Nagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ang couple na ito kaya naisipan nilang mag-Jollibee

- Sa tulong ng mga manager at crew ng nasabing fast food, naisakatuparan ang nakakakilig na proposal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakakilig na wedding proposal na isinagawa sa Jollibee Rosario.

Sa video na binahagi ng shift manager ng branch na si Chryzelle Amada, aakalaing tipikal na date lamang ito ng magkasintahang sina Jayson Ablitas at Monica Cordero.

Dala ng isang kasabwat na crew ang order ng magkasintahan. Napansin na ni Monica na tila kinukunan sila ng video ng isa pang crew.

Nang buksan na ni Monica ang kanyang "Super meal", doon pala nakasulat ang mga katagang "Will you marry me?"

Kitang-kita sa mukha ng babae ang pagkagulat at pagtataka ngunit nang ilabas na ni Jayson ang singsing at lumuhod na ito, agad naman siyang sumagot ng "yes."

Sumunod na rito ang pagbibigay ng buoquet ng bulaklak kay Monica at di na rin matinag ang ngiti sa kanyang labi.

Nagpasalamat din si Jayson sa pakikiisa ng mga crew at shift manager sa kakaiba ngunit mas nakakakilig na marriage proposal na ito.

Nalaman ng KAMI na nagdiriwang pala ng ika-10 anibersaryo bilang magkasintahan ang dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa at kinilig sa simple ngunit tagos sa pusong proposal na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mas nakakakilig to kesa sa mga pabonggahan na proposal, congrats sa inyo"
"Ay very filipino ito kaya mas sweet tingnan, sa Jollibee pa talaga! best wishes!"
"Nakakaiyak naman..witness ako kung pano kau nag-umpisa.. masaya ako para sa inyo.. congrats pinsan at paje."
"Mas masaya kung si Jollibee ang may dala ng ring! hehe. congrats!"
"This is so heartwarming. mas ramdam ko na ang true love dito kesa sa iba na pabongga pa..."

Umabot na sa mahigit 500,000 views ang viral na video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel