OFW, handang ipaubaya ang misis sa "ka-couple shirt" nito na pulis

OFW, handang ipaubaya ang misis sa "ka-couple shirt" nito na pulis

- Di na kinaya pa ng isang mister ang panloloko di umano ng kanyang misis

- Sinasabing isa raw pulis ang kabit nito at mayroon pa silang larawan na naka-couple shirt

- Nais pa sanang makipagbalikan ng kanyang misis ngunit handa nang magparaya ang mister

- Itinanggi ng pulis ang akusasyon at sinasabing '3rd' cousin daw niya ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng saklolo ang isang OFW na si Osias Rabanal dahil sa di umano'y panlolokong ginagawa sa kanya ng kanyang misis na si Joanne Rabanal.

Sa episode ng Raffy Tulfo in Action, sinabi mismo ni Osias na umamin na ang kanyang misis sa pakikipagrelasyon nito sa pulis na nakilalang si Pmsg. Ronnie Vidad.

Pinalalabas pa ng dalawa na walang malisya ang kanilang pagkikita at pagsasama dahil sila raw ay magpinsan (3rd cousin).

Nalaman ng KAMI na nais pa sanang makipagbalikan ng misis sa mister ngunit matindi na talaga ang sama ng loob nito sa kanya.

Pinakita ni Osias ang kanyang nakalap na ebidensya na isang larawan kung saan nakasuot pa ng couple shirt ang dalawa.

Nagulat maging si Tulfo kung bakit naka-suot ng couple shirt si Joanne at ang pulis kung hindi naman sila magkasintahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin ng host ng programa ang pulis tungkol sa larawan, nagawa pa nitong magmaang-maangan at sinabing di raw niya alam ang tungkol dito kahit kitang-kita na ang pagdantay pa ng mukha ng babae sa balikat niya.

Ayon pa kay Osias, pakakawalan na niya ang misis sa kondisyon na bibigyan siya nito ng oras para sa kanilang tatlong taong gulang na anak.

Inimbitahan na rin ni Tulfo si Vidad na paunlakan siya sa programa at kung hindi ito sisipot, ididiretso na nila sa Camp Crame ang reklamo at matatanggalan na ito ng trabaho.

Narito ang kabuuan ng episode na nakuha ng KAMI sa YouTube page ng Raffy Tulfo in Action:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel