2016 Outstanding Teacher, agaw-buhay matapos pagbabarilin ng 4 na kalalakihan

2016 Outstanding Teacher, agaw-buhay matapos pagbabarilin ng 4 na kalalakihan

- Nasa kritikal na kondisyon ang isang guro sa Bukidnon

- Umaga nang maganap ang pamamaril pagkatapos ng flag ceremony kaya may ilang mga nakakita sa pangyayari

- Sinasabing aktibong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines sa Bukidnon ang 2016 Outstanding Teacher awardee na ito na siyang nagsusulong ng mga karapatan ng mga guro

- Pinaghahanap na ngayon ang apat na lalaking may maskara na gumawa ng naturang krimen

- Patuloy ang pagdarasal para sa guro na nakikipaglaban sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kritikal ang lagay ng gurong si Zhaydee Cabañelez, guro ng Dalet Elementary School sa Barangay Lumbayao, Valencia City, Bukidnon matapos itong pagbabarilin ng apat na may maskarang kalalakihan.

Ayon sa post ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) naganap ang insidente bandang 8:00 ng umaga noong Oktubre 15, matapos ang flag ceremony sa paaralan.

Sakay ng motorsiklo ang mga salarin na agad na nakatakas matapos isagawa ang krimen.

Dahil dito, may ilang mga nakakita ng pamamaril kabilang na ang ilang estudyante na nasa pinangyarihan ng insidente.

Wala namang naiulat na ibang nasaktan maliban sa guro na 2016 Outstanding Teacher awardee.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Teacher Zhaydee ay aktibong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines na siyang nagsusulong para sa mga karapatan ng guro lalo na ng mga nasa pampublikong paaralan.

Nananawagan ngayon ang organisasyon, 'di lamang para ipagdasal ang kalagayan ng gurong nakikipaglaban sa kanyang buhay kundi para na rin agad nitong makamit ang hustisya.

Ayon pa sa ACT, maituturing itong pinakamalalang kaso sa kanilang samahan kung ito ay iuugnay sa pinaglalaban ng kanilang organisasyon.

Nakikita raw kasi ng ACT na isa itong pananakot o banta sa mga kasapi ng kanilang samahan dahil lamang sa pagsusulong nila ng mga bagay na nararapat lamang na makamit ng mga guro.

Nanawagan din ang samahan na kinabibilangan ni Teacher Zhaydee na sana'y makipagtulungan ang Department of Education upang makamit ang agarang hustisya para sa guro.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel