Mga pasaherong ginawang "roller coaster" ride ang biyahe sa ordinary bus, viral

Mga pasaherong ginawang "roller coaster" ride ang biyahe sa ordinary bus, viral

- Viral ang kakaibang trip ng magkakaibigang sakay ng ordinary bus

- Nagmistulang sakay sila ng "roller coaster" na tinataas pa ang mga kamay sa tuwing humaharurot ang bus

- Aliw na aliw ang mga netizens na sinang-ayunan ang napansing ito ng mga pasahero dahil sa bilis talaga umano ng patakbo ng ordinary na mga bus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang tuwa ang mga netizens sa naisipang gawin ng magkakaibigang sakay ng isang ordinary na bus.

Binahagi ng netizen na si Shiela Serafica Garcia ang trip nilang magkakaibigan na parang nasa "extreme rides" daw kahit sila ay nasa loob lamang ng bus.

Ito ay dahil sa tuwing haharurot ang bus na kanilang sinasakyan, itinataas nilang magkakaibigan ang kamay na animo'y sakay ng isang roller coaster.

Maraming netizens na nakaranas nang makasakay sa ganitong uri ng bus ang sumang-ayon dahil nga naman sa bilis ng patakbo ng mga ganitong uri ng bus sa kamaynilaan.

Dumagdag pa rito ang mga bukas na bintana na lagusan ng malakas na hangin kaya naman para talaga silang nakasakay sa isang extreme ride.

Sa bilis, inabot lamang daw ng 20 minuto ang kanilang biyahe mula Fairview hanggang Boni.

Umabot na sa 1 milyon ang views ng nakakatuwang video na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga makukulit na reaksyon ng mga netizens:

"Ayala to taft 5mins lng with Nova Bus. The best! Hnd pa nakakarating sken ung konduktor, pababa na ko"
"Trending to ahhhh ..pero legit to sa edsa at commonwealth, Ride to heaven!"
"I forgot which bus company it was, but I once rode a Cash and Carry to Alabang bus. 7 minutes"
"Oo extreme ride nga yan na biyaheng langit! Kaloka..."
"Nova Bus, Kamuning Road to Boni Ave. 15 or 20 mins ata HAHAHA kala ko Bugatti sinasakyan ko eh. Ride or die..."

POPULAR: Read more viral stories here

Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel