Misis, nadiskubreng kabit ni mister ang BFF niya na sumbungan pa raw niya

Misis, nadiskubreng kabit ni mister ang BFF niya na sumbungan pa raw niya

- Hindi kinaya ng isang babae nang madiskubre na ang bagong kabit pala ni mister ay ang mismong bestfriend niya

- Ang masaklap pa, sumbungan pa raw niya ang kanyang bestfriend nang magsimula na siyang maghinala sa asawa

- Ngunit naging matapang naman si mister na harapin ang reklamo ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na sama ng loob ang nagtulak sa babaeng si Jeisa Galgana para idulog ang kanyang problema sa mister na si Jerico Galgana, sa programang Wanted sa Radyo.

Dito, isiniwalat niya na sa loob ng siyam na taon ay marami na siyang pagdurusang dinanas sa piling ni mister.

Inireklamo nito ang pambababae ng asawa simula pa lang daw nang magsama nila. Nagagawa rin daw siyang saktan nito.

Ngunit napuno na raw talaga siya nang madiskubre na ang mismong bestfriend na niya ang ginawa nitong kabit.

Ang masaklap pa, nagmukha siyang tanga dahil ang naturang kaibigan niya ay ang sumbungan pala niya simula nang maghinala siya na may iba na namang babae ang mister.

Ngunit ayon naman kay Jerico, napag-usapan na nilang mag-asawa ang tungkol sa kanilang relasyon at iginiit na hiwalay na sila ni misis.

Inakusahan din nito ang asawa na mayroon itong ibang ka-chat at umuuwi pa nga raw ng madaling araw na itinanggi naman ni Jeisa.

Sa huli, nagkasundo na lamang ang dalawa na pag-usapan ang tungkol sa kanilang mga anak.

Humanga naman si Raffy Tulfo sa lalaki na hinarap ang reklamo at inamin ang kasalanan. Nangako rin ito na hindi pababayaan ang mga anak.

Ipinaubaya na lang din ni Jerico ang bahay nilang mag-asawa kay Jeisa para na rin sa mga bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel