Tatay na OFW, may sweet b-day surprise para sa kanyang anak sa Pinas

Tatay na OFW, may sweet b-day surprise para sa kanyang anak sa Pinas

- Naging espesyal ang kaarawan ng isang estudyante dahil sa surpresa ng ama niyang nasa ibang bansa

- Habang nasa classroom, biglang may dumating na flowers, cake, teddy bear, at chocolates para anak niya

- Nakaka-touch din ang naging mensahe ng ama para sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May sweet surprise ang isang tatay na overseas Filipino worker (OFW) para sa kanyang anak na nag-birthday kamakailan lang,

Nalaman ng KAMI na mula Pohnpei, Micronesia, ay ipinadama ng ama ang kanyang pagmamahal sa anak niya.

Ayon sa Facebook video ng Manila Surprise Gift Padala Online, biglang may pinadalang mga bulaklak, cake, balloons, chocolates at isang malaking teddy bear para sa 12th birthday ni Eah.

Kasama ang mga kaklase niya, nag-celebrate ng birthday si Eah. Kinantahan din siya ng mga ito.

May sulat naman mula sa kanyang ama na binasa para sa kanya.

“Alam ko hindi ganun kadali ang pinagdadaanan natin, mahirap at masakit na mapalayo kayo sa akin,” sabi ng tatay.

“Pero alam ko kaya nating malampasan lahat. Pakatatag lang tayo palagi, andito lang ako para sa inyo. Kaya natin yan,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hiling din ng ama na maging masaya sana ang kanyang anak sa kaarawan nito at labis ang pagmamahal niya rito.

“I Love You! Sana anak napasaya kita sa maliit na bagay na nagawa ko,” aniya.

Labis din ang tuwa ni Eah sa naging surpresa ng tatay niya para sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel