Estudyante, kitang-kita kung paano nasalisihan ng isang katawan

Estudyante, kitang-kita kung paano nasalisihan ng isang katawan

- Kumalat sa social media ngayon ang CCTV footage kung saan makikitang nasalisihan ng isang kawatan ang estudyante

- Nilapag ng estudyante ang kanyang cellphone sa counter at pasimpleng kinuha ito ng lalaki

- Maging ang mga netizens ay nagkomento at hindi pinalagpas ang insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kitang-kita sa isang CCTV footage kung paano nasalisihan ng isang kawatan ang estudyanteng bumibili sa convenience store.

Nalaman ng KAMI na habang nagbabayad sa cashier, kinuha ng magnanakaw ang cellphone ng estudyante.

Ayon sa video na pinost ng Paolo Duterte Supporters page sa Facebook, nilapag ng dalaga ang kanyang cellphone sa counter upang kumuha ng pera sa wallet niya galing sa bag.

Habang busy sa pagkuha ng pera, agad naman siyang inunahan ng lalaki na magbayad sa cashier. Dito na nga sinimplehan ng kawatan ang pagkuha sa cellphone ng estudyanteng nakalapag sa counter.

Hanggang sa lumabas ng convenience store ay hindi pa rin namalayan ng dalaga na nawalan na siya ng cellphone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkomento rin naman ang mga netizens sa insidenteng ito. Narito nga ang kanilang mga sinabi, ayon sa Facebook post:

“Pag sobrang dami talagang dala marami talaga taung makakalimutan ung cashier nman pinasingit dapat ung estuyante nauna tinapos muna nya”
“Hilig yata kasi maglapag. Kahit wallet inilapag lang din sa table, dinampot lang ng binigay na sa kanya ang sukli, umalis na di na naalala ang inilapag na cellphone.”
“Ako khit n 64 yrs old, todo prayers ko my presence of mind. Isilid agad ang cp safe bago ang lahat. Mbibilis kasi sila”
“Pano naman kasi nauna yong studyante sa counter para magbayad kung bakit inuna ni ate yong mama.”
“Bakit kasi inuna pa ang mama. At saka obserbasyon ko sa ngayon mga kabataan ngayon laging hawak mga cp ano kaya kong ilagay muna sa bag o sa bulsa”
“Yun ang problema,hindi naman kailangan bakit laging hawak ang cp?pwede namang ibulsa bakit inilapag lang sa counter,aral na yan sa kanila.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel