Netizen, nanawagan sa isang malaking kompanya dahil sa trato nito sa empleyado

Netizen, nanawagan sa isang malaking kompanya dahil sa trato nito sa empleyado

- Viral sa social media ngayon ang pagbebenta ng dalawang empleyado ng kilalang convenience store sa bansa

- Ayon sa isang netizen, nakita niya ang dalawang empleyado na naglalako ng turon sa lansangan

- Subalit, hindi naman daw kasama ang paglalako sa kanilang pinirmahan na kontrata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng saloobin ang isang netizen sa social media dahil sa diumano’y hindi tamang trato ng isang malaking kompanya sa kanilang mga empleyado.

Nalaman ng KAMI na dalawang empleyado umano ng Alfamart ang pinaglalako ng 100 pieces na turon upang maabot ang quota nila.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Louise Nathalie Fernandez, sabi raw ng mga empleyado, kapalit ng kanilang pagtitinda ng turon sa labas ay pipirmahan ang kanilang adjustment.

“Just saw this two Alfamart employees na naglalako sila ng TURON kahit tirik yung araw kasi sa kanila daw machacharge if ever na di sila maka-qouta,” giit ng netizen.

“Tsaka sabi ng isang empleyado, pinaglalako sila ng 100 PIECES na turon kapalit ng pagpirma ng adjustment nila,” dagdag pa nito.

Pilit na dinidiin ng netizen na hindi kasama sa pinirmahang kontrata ng mga empleyado ang paglalako ng turon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Nakakahiya naman sa AC ng store na to, hindi kasama sa pinirmahang kontrata ng mga empleyado nyo yan,” sabi ni Louise.

“Wag nyo gamitin yung position nyo para takutin mga empleyado nyo, masyado lang kayo nagpapabida sa mas matataas sa inyo para kunware best yung area na nahahawakan nyo pero kung tutuusin kung di dahil sa mga store crew wala rin kayo sa position nyo ngayon!” dagdag pa nito.

Ayon sa ulat ng Philippine Star (author Iris Gonzales), ang SM Investments Corp. ang nagdala sa Indonesian mini-mart chain na Alfamart sa bansa. Plano pa nga ng mga ito na gawing 1,000 ang kanilang mga branch sa bansa pagdating ng 2020.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel