Mga Pinoy, umalma sa sinabi ng isang dayuhan tungkol sa Pinas sa 1 viral video

Mga Pinoy, umalma sa sinabi ng isang dayuhan tungkol sa Pinas sa 1 viral video

- Maraming Pinoy netizens ang hindi natuwa sa sinabi ng isang galit na galit na dayuhan sa isang viral video

- Sa nasabing video, maririnig pa ang sinabi nito na mababa raw ang Pilipinas kumpara sa America na labis na ikinaasar ng mga Pinoy

- Ayon pa sa uploader, 'pag pasok pa lamang nito ay gumawa na agad ng eksena at binastos pa umano ang cashier sa isang convenience store

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma ang maraming Pinoy netizens sa sinabi ng isang dayuhan sa isang viral video sa social media.

Sa video na in-upload ng netizen na si Ralph Xavier, makikita ang galit na galit at nagwawalang foreigner sa loob ng isang convenience store.

Makailang beses din itong nagmura at nagbanta kay Xavier at sa isa pang lalaki na kumakausap dito at nagpapalabas dito.

Maririnig din nang sabihin nitong: "Don't forget America Number 1! Philippine down low!"

Hanggang sa lumabas na ito ay hindi pa rin ito nagpaawat at nagwawala pa rin.

Hindi naman malinaw kung ano ang pinagmulan ng galit o pagwawala ng dayuhan.

Sabi pa ni Xavier, 'pag pasok pa lamang nito ay agad na itong gumawa ng eksena.

Inunahan umano nito ang mga nakapila at binastos din ang cashier.

"Pasikatin natin to. Sobrang lala, ang baba ng tingin nya sa mga Pilipino.

"Pag pasok nya, inunahan nya yung mga nakapila. Siya daw muna pagsilbihan. Binastos nya yung nag cashier, nag wawala tapos sigaw ng sigaw. Dapat pinapalayas sa Pilipinas yung gantong tao.

"Location: 7- Eleven President's Avenue, Paranaque," ayon sa post ni Xavier sa Facebook.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Pinapulis sana. Yayabang hndi nila lugar dayo lang."

"Maganda yan kung binigyan nyo ng leksyon, para madala yan."

"Number one ang America at pinas down low tapos nasa pinas siya nakatapak? Hala."

"haynaku... may videnaman sana pag kasabi nya mga salita na yan sinapak agad.. bagsak yan."

"send this guy home...."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticising Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel