Jessy Mediola at Luis Manzano, pinag-uusapan na ang kasal pero secret lang muna ngayon

Jessy Mediola at Luis Manzano, pinag-uusapan na ang kasal pero secret lang muna ngayon

- Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinag-uusapan na ang kasal pero sa ngayon ay secret lang muna raw

- Nakapanayam si Jessy ng entertainment press kamakailan at dito ay tinanong siya tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Luis

- Unang bungad na tanong sa kanya ay kung napipikon siya sa tanong tungkol sa pagpapakasal

- Tugon naman ni Jessy na hindi raw siya napipikon dito

- At dito ay naisiwalat niya na napapag-usapan na nila Luis ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Jessy Mendiola, spotted ng KAMI ang pagsiwalat na pinag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend ng 3 years na si Luis Manzano ang pagpapakasal.

Jessy Mediola at Luis Manzano, pinag-uusapan na ang kasal pero secret lang muna ngayon

Source: Instagram/Jessy Mendiola
Source: Instagram

In-interview si Jessy Mendiola ng entertainment press sa launching ng kanyang bagong endorsement at isa sa mga tanong na ibinato sa Sandugo actress ay kung napapag-usapan na raw ba nila ni Luis Manzano ang tungkol sa kasal.

Bungad pa na tanong ng reporter kung hindi raw ba siya napipikon sa tanong tungkol sa kasal.

Ani naman ni Jessy na hindi siya napipikon dito.

Saad pa ni Jessy:

Hindi ako napipikon. Dati mas nape-pressure pa ko, pero ngayon parang sabi ko nga kay Luis, ‘Siguro ganon 'yung vibes natin no. Pang kasal na 'yung next step natin. Kumbaga 'yung ibang tao nae-excite for us."

Kaya naman tumugon rin siya sa sumunod na tanong ng press kung napag-usapan na ba nila ni Luis ang kasal.

Agad naman na inamin ni Jessy ito pero secret lang muna ngayon.

“Oo napag-uusapan na namin. Kahit nga 'yung kulay. Pero siyempre hindi ko muna sasabihin. Secret muna."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Speaking of kasalan, kinasal na si KC Montero sa kanyang girlfriend na ngayon ay misis na niya na si Stephanie Dods at nagbahagi naman sila ng ilang wedding pics sa socmed nang magdiwang sila ng kanilang first month bilang mag-asawa.

Panoorin ang sagot ni Jessy tungkol sa kanila ni Luis sa 7:40 timestamp sa babang video:

Jessy Mendiola, kilala sa pagganap sa Pinoy remake ng sikat na Mexican telenovela na Maria Mercedes sa Kapamilya network. Kamakailan lang ay ipinagdiwang nila ng 'I Can See Your Voice' host na si Luis Manzano ang kanilang 3rd anniversary.

POPULAR: Read more news about Jessy Mendiola here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel