Taxi na magdadala ng pasyente sa ospital, hinarang at 'di pinalusot ng enforcer

Taxi na magdadala ng pasyente sa ospital, hinarang at 'di pinalusot ng enforcer

- Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang pakikipagtalo ng isang enforcer sa isang taxi driver

- Hinarang kasi ng enforcer ang taxi matapos itong mag-u turn sa hindi tamang lugar

- Ngunit ginawa lamang pala nito iyon dahil may sakay itong pasyente na isusugod dapat nito sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang pakikipagtalo ng isang traffic enforcer sa isang taxi driver na magsusugod sana ng pasyente sa ospital.

Ayon sa ulat ng GMA News, hinarang ng enforcer ang taxi matapos itong mag-u turn sa 'di tamang lugar.

Ngunit depensa naman ng taxi driver, ginawa lang daw niya iyon para agad na makuha ang pasyente at maisugod sa ospital.

Sabi naman ng uploader, tumawag sila ng ambulansiya ngunit hindi naman dumating kaya tumawag na lang sila ng taxi.

Sa video, makikita pa ang pasyente na hirap na hirap huminga.

Pero sa halip na palusutin, tumawag na lang ng isa pang ambulansiya ang enforcer na siyang nagdala sa pasyente sa ospital.

Base sa ulat, umabot sa halos isang oras ang pakikipagtalo ng enforcer sa taxi driver at sa uploader.

Napag-alaman naman na pumanaw ang pasyente pagkalipas ng ilang araw matapos ang insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel