Viral 'hunk' na street vendor, tinalikuran ang marangyang trabaho para sa negosyo

Viral 'hunk' na street vendor, tinalikuran ang marangyang trabaho para sa negosyo

- Agaw pansin ang hunk na street vendor na may-ari ng maliit na kainan sa Singapore

- Tinalikuran niya ang pagiging flight attendant na may magandang sahod para maging street vendor

- Dahil sa agaw-pansin niyang itsura, mabilis na nakilala ang kanyang negosyo

- Katunayan, dumating pa raw sa punto na pinagbabawalan na ng mga boyfriend ang kanilang mga nobya na kumain sa "Father and Son" sa Singapore marahil sa "selos"

- Nakabawi lamang daw ang may-ari ng maliit na resto sa mga pinagdaanan niyang pagsubok sa pagnenegosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang kwento ng isang hunk na dating flight attendant na ngayon ay nagpapatakbo ng kanilang family business.

Ayon sa Buzzooks, di naging madali ang pinagdaanan ni Walter Tay pagdating sa mga desisyon niya sa buhay.

Una na rito ay ang pagtalikod sa marangyang trabaho na pagiging isang flight attendant.

Maganda ang kinikita roon ni Walter, ngunit inalok siya ng mga kapatid na mamahala ng isang negosyo na isa pa lang "networking."

Dito nabaon sa utang si Walter na tila nagsisi sa pag-iwan sa magandang trabaho.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Laking pasalamat niya sa kanyang mga magulang lalo na sa ama na di siya pinabayaan.

Binigyan siya nito ng puhunan upang makasimulang muli at 'di naman sinayang ni Walter ang pagkakataong ito.

Dito binuo nila ang 'Father & Son', na kilala sa masarap nilang carrot cake.

Bukod dito, mabilis na nag-boom ang kanilang negosyo dahil na rin sa agaw-eksenang itsura ni Walter na para raw celebrity.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ilan daw ay aminadong dinarayo nila ang maliit na resto para makapagpa-picture kay Walter.

Napabalita tuloy na ang ilang mga nobyo ay binabawalan ang kanilang GF na kumain sa resto ni Walter dahil marahil sa selos.

Dahil dito, tinaguriang “Hunky Hawker" dahil matatagpuan ang kanilang pwesto sa Kampung Admiralty sa Singapore.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-unlad ng negosyo ni Walter. Patunay lamang na sa lahat ng matinding pagsubok sa buhay, di mawawala ang pagkakataong makabangon muli at panibagong oportunidad ang magbubukas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel