Jinkee at Manny Pacquiao, ipinagdiwang ang 7th anniversary ng kanilang simbahan na "The Word for Everyone"

Jinkee at Manny Pacquiao, ipinagdiwang ang 7th anniversary ng kanilang simbahan na "The Word for Everyone"

- Jinkee at Manny Pacquiao, ipinagdiwang ang 7th anniversary ng kanilang simbahan na pinangalanan ni Pacman na "The Word for Everyone"

- Nagbahagi ng ilang pictures si Jinkee sa kanyang social media page sa naganap na selebrasyon

- Ito ang kauna-unahang simbahan na itinayo ni Pacman sa 5.7 hectares na lupain niya sa GenSan

- Isang school at community center din ito na may 2-storey building

- Sa loob ay may bible school annex, pastor's lounge at meron din umanong commercial offices, ayon pa sa ulat

- February 12, 2015 nang unang ibinalita ang ground breaking ng 6.7 million dollars na proyekto na ito ni People's Champ

- Ani pa umano ni Manny, ang halaga ng nasabing proyekto ay wala raw kompara sa mga biyaya na natanggap niya mula sa Panginoon

- Ibinabalik lang daw niya ito sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at ito raw ang pinakamahalagang legacy na maiiwan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Jinkee at Manny Pacquiao, ipinagdiwang ang 7th-anniversary ng kanilang first church na tinawag nilang "The Word for Everyone" at spotted ng KAMI ang ilang mga litrato sa socmed.

Jinkee at Manny Pacquiao, ipinagdiwang ang 7th anniversary ng kanilang simbahan na "The Word for Everyone"

Source: Instagram/Jinkee Pacquiao
Source: Instagram

Nag-post si Jinkee sa kanyang Instagram page ng ilang mga larawan sa naganap na selebrasyon.

Bukod sa anibersaryo ay pasasalamat rin nila ito, ayon na rin sa caption ni Jinkee sa kanyang mga posts.

"Celebrating God's Faithfulness"
"Grateful for God's goodness and faithfulness...Happy 7th anniversary "The Word for Everyone."

Ito ang kauna-unahang simbahan na ipinatayo nina Jinkee at Manny Pacquiao, ayon pa sa balita na una naming naispatan sa christiantoday.com.

Nakatayo ang nasabing 2-storey building na kanilang simbahan, school, at community center sa 5.7 hectares na lupain nila sa GenSan.

Meron ding bible school annex, pastor's lounge, at commercial offices ang nasabing proyekto ni Pacman na nag-ground breaking noong February 12, 2015, at nagkakakahalagang 6.7 million dollars, ani pa sa ulat ni Aquiles Z. Zonio ng philboxing.com.

Komento pa raw ni Pacman kaugnay sa halaga:

“I owe everything to God. I have to give it back to Him. The amount is nothing compared to what God has done to my life."

Pinangalan daw niya itong "The Word for Everyone" dahil ito ay kaugnay sa mga salita ng Panginoon na nagpabago sa kanya at pinoprotekahn siya sa ano mang kasamaan.

Dagdag pa niya:

"I want to leave behind a legacy of faith and a House of God. This is more self-fulfilling than my achievements in boxing and politics."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

May selebrasyon din naganap sa kanilang mansyon 2 sa GenSan kung saan spotted si Mommy D na kumakanta at may super touching at sweet message si Jinkee Pacquiao dito.

Jinkee at Manny Pacquiao, sikat na mag-asawang Pinoy celebrities na nakilala dahil sa pagiging kampyeon ng huli sa boxing sa buong mundo. Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila. Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

POPULAR: Read more news about Jinkee Pacquiao here and Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel