"Loyal askal" na si Bubuy, mayroon ng estatwa sa 1 pet cemetery

"Loyal askal" na si Bubuy, mayroon ng estatwa sa 1 pet cemetery

- Isang estatwa ng tinaguriang "Pinoy Hachiko" na si Bubuy ang ipinatayo sa isang pet cemetry sa Capas, Tarlac bilang pag-alala sa viral dog

- Nakilala si Bubuy matapos mag-viral ang video nito habang tila hinihintay ang among guro sa labas ng faculty room

- Ngunit makalipas lang ang ilang linggo ay pumanaw rin ito matapos mabiktima ng hit-and-run na labis na ikinalungkot ng maraming Pinoy netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang estatwa para sa tinaguriang "Pinoy Hachiko" na si Bubuy ang itinayo sa Animal Kingdom Pet Cemetery sa Capas, Tarlac.

Ito ay bilang pag-alala sa sinasabing "loyal askal" at viral dog na pumukaw sa napakaraming puso ng netizens.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Matatandaang nag-viral si Bubuy nang makuhanan ito ng video habang tila naghihintay sa labas ng faculty room ng amo nitong yumaong guro, na una nang naibalita ng KAMI.

Nang dalhin ng ilang estudyante si Bubuy sa burol ng amo ay mararamdaman din ang lungkot nito na talaga namang dumurog sa maraming puso.

Mabilis na nakuha ni Bubuy ang simpatya mula sa marami kaya naman marami ang nagnais na maging tagapag-alaga nito.

Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo pagpanaw ng amo nito, namatay naman si Bubuy dahil sa hit-and-run na labis na ikinalungkot ng marami.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticising Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel