Birthday girl, namigay ng 'Jollibee' sa mga pulubi at batang lansangan

Birthday girl, namigay ng 'Jollibee' sa mga pulubi at batang lansangan

- Viral ang ginawa ng isang babae sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

- Imbis na magkaroon ng magarbong handaan, namigay na lamang siya ng 'Jollibee' sa mga taong walang maayos na makain sa lansangan

- Bata man o matanda sa lansangan ay kanyang binigyan at matamis na ngiti ng pasasalamat ang sinusukli sa kanya ng mga ito

- Hinangaan ng mga netizens ang ginawa na ito ng may kaarawan dahil may mga tao rin siyang napasaya sa pagdiriwang ng araw ng kanyang kapanganakan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang ginawa ni Mary Ann Cunanan sa kanyang kaarawan nitong Oktubre 11.

Sa kanyang viral post, pinakita niya ang makabuluhang selebrasyon ng kaarawan na hindi lamang siya ang sumaya sa espesyal na araw na iyon.

Imbis kasi na magkroon ng magarbong handaan, minabuti niyang ipamahagi ang mga biyayang natatanggap sa mga taong nangangailangan.

Bumili siya ng pagkain mula sa paboritong kainan ng bayan, ang "Jollibee" at kanyang ipinamigay sa mga taong walang maayos na makain sa lansangan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bawat bata man o matanda sa lansangan na kanyang nadaanan ay nabigyan niya ng isang meal ng Jollibee kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito.

Bakas sa ngiti ng isinusukli kay Mary Ann ang kasiyahang nadarama ng mga ito dahil sa masarap na pagkaing natanggap.

Dahil sa kabutihang loob ng may kaarawan, marami ang humanga sa kanya.

Umabot na sa 33,000 ng mga positibong reaksyon ang ginawa na ito ni Mary Ann.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa 'good deeds' na ito ng may kaarawan:

"May God bless you more ate"
"Salamat sa idea ate,nakaka-inspire ka naman po"
"Inspiring! Sana dumama pa ang tulad mo!"
"God bless you more po lalo na at marunong kang mag-share ng blessings mo!"
"Ito ang totong lodi, mas inisip pa ang kaligayahan ng iba"
"Mabuti kang tao, sana marami pa ang tulad mo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica