Driver ng bus na kumakanta ng worship songs, hinangaan ng kanyang naging pasahero

Driver ng bus na kumakanta ng worship songs, hinangaan ng kanyang naging pasahero

- Binahagi ng isang pasahero ang paghanga niya sa driver ng nasakyan niyang bus

- Sa araw-araw niyang pagbibiyahe, ito lamang daw ang driver na nagpapatugtog at kumakanta ng worship songs habang nagmamaneho

- Bukod dito magalang at mapagkalinga pa raw ito sa mga pasahero

- Sana raw ay maraming bus drivers ang tumulad dito kahit labis na nakakapagod ang kanilang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng isang pasahero patungkol sa driver ng nasakyang niyang bus na labis niyang hinangaan.

Ayon sa post, driver daw ito ng Victory Liner bus number 8180 via Cubao Alaminos.

Sa araw-araw daw kasing pagbibiyahe ng pasahero, noong lamang siya nakakita ng driver na nagpapatugtog ng Worship songs sa biyahe.

Di lamang ito, kumakanta pa ito at sinasabayan ng worship ang kanyang pagmamaneho.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kada pasok ng pasahero, nagsasabi pa raw ito ng "good morning."

Pinaalalahanan pa niya ang mga pasaherong kumapit ng mabuti lalo pa at kinakailangan na niyang paandarin ang bus.

Bukod pa sa mga ito, nagagawa pa raw nitong magpaalala sa mga pasahero na i-enjoy lamang ang trabaho at "always praise God."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, hangad ng netizen na pamarisan ito ng iba pang mga driver at hindi puro init ng ulo ang pairalin.

Sa kabila raw kasi ng nakakapagod na hanapbuhay ng tsuper na ito, nakukuha pa niyang maging positibo sa buhay.

Binahagi rin ang post na ito ng Philippine trends and news.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel