Anak ng matandang pinagbintangang nambastos sa pampublikong sasakyan, may bagong ebidensiya

Anak ng matandang pinagbintangang nambastos sa pampublikong sasakyan, may bagong ebidensiya

- Ibinahagi ng anak ng matandang lalaki na pinagbintangang nambastos sa pampublikong sasakyan ang video na kung saan, dinig na dinig ang mga sinabi ng babaeng pasahero

- Matatandaang nag-viral ang post ng isang netizen dahil sa kaawa-awang sinapit ng kanyang ama matapos saktan ng isang babaeng pasahero na nagsabing hinipuan siya

- Kasalukuyang nakapila ang anak ni tatay sa Raffy Tulfo in Action upang humingi ng tulong para makamit nila ang hustisya para sa kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Facebook account ng anak ng matandang binugbog ang video na may kasama nang audio. Maririnig sa video na ito ang pagmumura at panggagalaiti ng babaeng pasahero sa matanda dahil pinagpipilitan nitong hinipuan siya.

Binugbog ang kawawang matanda dahil sa pinipilit ng babae na binastos siya.

Sa Facebook post ng anak ng matanda, ipinaliwanag nito na hindi lasing ang ama. Palagi daw itong inaatake ng hypertension at paika-ika ang kanyang paglalakad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani ng simpatya ang post na ito ng anak ng matandang lalaki. Marami ang nag-udyok sa kanyang ilapit na kay Raffy Tulfo ang nangyari sa ama upang maaksiyunan agad ito. Kaya naman, hindi nag-atubiling pumila ang anak sa action center ng Raffy Tulfo in Action.

Narito naman ang updated video na may audio na.

Sa isa pang post, ibinahagi ng anak ang ilan sa mga sinabi ng babae.

Di po ako marunong magpaliit ng size ng video so eto muna sana marinig nyo din. Pinagmamalaki nya ang tatay nya na tanod at dinig na dinig din na pinabugbog nya. Madidinig din ang sinasabi ng mga witness sila mismo nagpapatunay walang kasalanan si papa. Kayo na po ang bahala humusga

Inaabangan naman ng mga netizens ang magiging action ni Raffy Tulfo sa kaawa-awang sinapit ng matanda.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel