Ate Gay, pinabulaanan ang balitang tinanggihan niya ang It's Showtime dahil sa isyu sa TF

Ate Gay, pinabulaanan ang balitang tinanggihan niya ang It's Showtime dahil sa isyu sa TF

- Pinabulaanan ng komedyanteng si Ate Gay ang balita tungkol sa naudlot niyang pagsalang bilang isa sa mga lalaban sa Tawag ng Tanghalan

- Ayon sa isang Facebook post ay tinggihan niya ang It's Showtime dahil sa isyu tungkol sa talent fee

- Nakasaad din sa nasabing post na naging aral umano kay Ate Gay ang nangyari sa kaibigang si Ethel Booba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mariing pinabulaanan ni Ate Gay ang tungkol sa lumabas na dahilan kung bakit naudlot ang kanyang pagsali sa Tawag ng Tanghalan Celebrity edition sa It's Showtime.

Ayon sa isang Facebook postng The Scourge of Bobomilyas, si Ate Gay mismo ang tumanggi at ito ay dahil sa isyu ng talent fee. Naging leksiyon diumano ang nagyari kay Ethel Booba para sa komedyante kaya ito tumanggi.

Tahasan naman itong pinabulaanan ng komedyante sa pamamagitan ng pagbahagi ng screenshot ng Facebook post sa Twitter.

Matatandaang inihayag ni Ate Gay ang kanyang saloobin tungkol sa hindi natuloy na pagsalang niya bilang isa sa mga lalaban sa celebrity edition ng Tawag ng Tanghalan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay ay isang komedyante, impersonator at singer. Nagkaroon siya ng kanyang unang matagumpay na major concert sa SM Mall of Asia Arena na pinamagatang Ako Naman... Ate Gay sa Arena.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel