Claudine Barretto, ikinuwento ang tungkol sa huling habilin ng kanyang yumaong ama

Claudine Barretto, ikinuwento ang tungkol sa huling habilin ng kanyang yumaong ama

- Ibinahagi ni Claudine Barretto ang huling habilin ng kanyang ama bago ito sumakabilang buhay

- Ikinuwento niya rin ang mga huling sandali na nakasama niya ang ama sa ospital

- Ayon pa sa aktres, hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa kanya na patay na ang kanyang ama

- Siya raw ang huling nakausap ng Daddy niya bago ito binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Claudine Barretto ang naging huling habilin sa kaniya ng kanyang ama. Ang gusto lamang daw nito ay ang magkaayos silang magkakapatid. Ito daw ang naging bukambibig ng ama nila sa kanyang mga nakakausap.

Pagbabalik-tanaw ni Claudine, ginising lamang siya umano ng mommy nila matapo mapansin na tila hindi okay ang asawa.

Sa ulat ng Bandera sa panulat ni Julie Bonifacio, naikwwento ni Claudine na tinanong daw si Claudine ng Daddy niya about his wish na magkaayus-ayos na silang magkakapatid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Sabi ko, ‘Daddy, in God’s perfect time.’ Sabi ko, ‘Stop asking God kasi kung hindi rin lang naman mangyayari,’ kaya siguro hindi nangyayari kasi hindi Niya gusto.’ Hindi talaga meant to be," saad pa niya.

Gayunpaman, may pagsisisi siyang naramdaman dahil sa mga nangyari,

“Pero ‘yun lang, nakakalungkot. Nasa huli talaga ‘yung pagsisisi talaga. Na you have to leave somebody, sometimes, ‘yung ganoon, ‘di ba? Pero tingnan mo, naayos lahat. So, I’m sure na happy siya,” dagdag pa niya.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

POPULAR: Read more about Claudine Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel