Claudine Barretto, naglabas ng saloobin sa diumano'y pagmumura sa kanya ng pamangkin

Claudine Barretto, naglabas ng saloobin sa diumano'y pagmumura sa kanya ng pamangkin

- Ibinahagi ni Claudine Barretto ang kanyang saloobin tungkol sa gulong nangyari sa kanilang magkakapatid

- Nasaktan din daw siya dahil minura siya ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto

- Dinuru-duro at tinulak-tulak daw siya ni Marjorie kaya na-provoke siya na sampalin ang kapatid

- Inamin din niyang isa sa naging dahilan ng pagtatalo nila ni Marjorie ay ang kanilang ate na si Gretchen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Claudine Barretto sa ilang Press people ang kanyang saloobin tungkol sa kaguluhang nagaganap sa kanilang pamilya.

Ito ay kaugnay sa gulong nagganap sa pagitan nilang magkakapatid noong pangalawang gabi ng lamay kung saan bumisita si Gretchen.

Ayon sa ulat ng Bandera sa panulat ni Julie Bonifacio, inamin ni Claudine na isa sa mga dahilan ng pag-aaway nila ni Marjorie ay si Gretchen. Isa pa raw na naging dahilan ay ang pagdating ng isang staff from an entertainment online news sa lamay na ikinagalit ng husto ni Marjorie.

Inakala ni Marjorie na si Claudine ang nag-imbita ng mga press people kaya ito nagalit.

Isa pang kinumpirma ng aktres ay ang pagduru-duro at pagtulak-tulak daw sa kanya ni Marjorie kaya na-provoke siya na sampalin ang kapatid.

Isa pa sa lumabas na haka-haka ay minura diumano si Claudine ng kanyang pamangking si Julia Barretto. Kaya naman naitanong sa kanya kung totoo ito at ano ang naramdaman niya tungkol dito.

“Yes. Ang na-feel ko? Nasaktan ako kasi parang anak ko mismo ‘yung gumawa sa akin noon, e,” sagot ni Claudine.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naunang ulat ng KAMI, isinugod sa ospital si Claudine matapos ang diumano'y nangyaring gulo sa pagitan nila ng ate niyang si Marjorie.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

POPULAR: Read more about Claudine Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel