Gretchen Barretto, ibinunyag ang diumano'y dahilan kung bakit inatake sa puso ang kanilang ama

Gretchen Barretto, ibinunyag ang diumano'y dahilan kung bakit inatake sa puso ang kanilang ama

- Ibinunyag ni Gretchen Barretto ang dahilan diumano kung bakit inatake sa puso ang kanilang ama

- Ito ay matapos mapansin ng isang netizen na wala ang kanilang ina sa mga ibinahaging pictures ni Marjorie na kuha sa birthday celebration ng kanilang ama

- Nauna nang sinabi ni Gretchen na ibubunyag niya ang sikretong ito nang unang pumutok ang isyu ng nangyaring gulo sa lamay ng ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi nauubusan ng pasabog si Gretchen laban sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto. Matapos ang kanyang pagbabahagi ng videos sa Instagram na diumano ay patunay na totoo ang kanyang mga naging pahayag sa panayam sa kanya, isang bagong rebelasyon na naman ang gumimbal sa mga netizens.

Dahil sa pumutok na balitang nagkapisikalan sila sa lamay ng ama, naging sunod-sunod na rin ang patutsadahan ng magkapatid sa social media.

Naging laman ng mga balita ang tungkol sa eskandalong nangyari. Kahit ang mga pamangkin ay nadamay na rin.

Sa isang Instagram post ni Claudine, nagkomento ang isang netizen dahil napansin niyang wala ang kanilang inang si Inday Barretto sa mga litratong kuha sa kaarawan ng namayapa nilang ama. Ang mga pictures na ito ay ibinahagi ni Marjorie sa kanyang Instagram Account.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sagot ni Gretchen, iyon daw ang naging dahilan ng atake sa puso ng kanilang ama. Hindi daw imbitado ang kanilang ina sa celebration para sa kanilang ama.

Gretchen Barretto, ibinunyag ang diumano'y dahilan kung bakit inatake ang kanilang ama

Gretchen Barretto, ibinunyag ang diumano'y dahilan kung bakit inatake ang kanilang ama
Source: Instagram

Matatandaang pumutok ang balitang nagkagulo ang magkapatid matapos pumunta ni Gretchen sa lamay ng ama. Nauna nang naiulat ng KAMI na si Marjorie ang itinuturong dahilan ni Gretchen kaya hindi niya nadalaw ang ama sa ospital.

Kilala ang pamilya ng mga Barretto dahil sa angking kagandahan at husay nila sa pag-arte. Ilan sa kilalang mga artistang nagmula sa kanilang angkan ay sina Gretchen, Marjorie, Claudine, Julia, Claudia, Dani at Cholo Barretto.

POPULAR: Read more about Gretchen Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad's Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel