Pamilya ng ka-look alike daw ni Jhong Hilario, nabiyayaan ng band instruments ni Kuya Wil

Pamilya ng ka-look alike daw ni Jhong Hilario, nabiyayaan ng band instruments ni Kuya Wil

- Agaw pansin ang pamilya Anoos sa Wowowin dahil sa isa sa magkakapatid ay kamukha raw ni Jhong Hilario

- Nagbabanda ang kanilang pamilya at nalaman ni Willie Revillame na humihiram lamang sila ng mga instrumento

- Nagulat ang host nang malamang ang 11 taong gulang na bunso sa magkakapatid ang drummer sa kanila

- Humanga ito sa bata kaya bilang dating drummer, binigyan niya ito ng drum set

- At dahil mapalad na raw si Willie, ibahahagi niya ang kanyang biyaya kaya naman bibigayan din niya ng kumpletong band instruments ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang ka-look alike ni Jhong Hilario na sumali sa Wowowin.

Kasama ng ka-look alike ni Jhong na "Jhong Anoos" ang pangalan ang kanyang mga kapatid na bumubuo ng kanilang banda.

Natuwa ang host na si Willie Revillame dahil sa malaki nga ang pagkakahawig ni Jhong sa sikat na dancer at host ng It's Showtime.

Aliw na aliw si Kuya Wil sa pamilyang ito lalo na nang malaman niyang ang bunso sa magkakapatid na si Bibong ang drummer nila.

Nang tanungin ni Wil ang 11 anyos na drummer, wala raw tiong ibang hiling kundi ang magkaroon ng sariling drum set.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bilang dating drummer din ang host ng Wowowin, di siya nagdalawang isip na ibigay na lamang ang isa sa mga drum set niya kay Bibong.

Mas lalong bumilib si Willie nang malaman na ang ama ng magkakapatid na lamang ang gumagabay sa kanila.

Pumanaw na kasi ang misis nito kaya naman siya na lamang ang nagtataguyod at sumusuporta lalo na sa mga pangarap ng pito niyang mga anak.

Nang malaman lahat ito ni Wil, handa raw siyang ibahagi ang natatanggap niyang umaapaw na biyaya.

Bukod sa drum set, bibigyan din niya ng iba pang instrumento ang pamilya Anoos para kumpleto na ang gamit nila sa pagbabanda.

Emosyonal na nagpasalamat ang magkakapatid na hindi na raw manghihiram pa ng gamit kapag mayroon silang tugtog o sasalihang band competition.

Sa dami ng naantig sa kwento na ito ng magkakapatid, umabot na sa halos 2 million ang views ng naturang episode ng Wowowin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel