Nakakikilabot na video ng pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan, gumimbal sa publiko

Nakakikilabot na video ng pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan, gumimbal sa publiko

- Nakunan ng video ng ilang netizens sa Japan ang pananalasa ng bagyong Hagibis

- Pinaghandaan nila ang sinasabing super typhoon na tumama sa kanilang bansa

- Sa loob lamang ng isang oras, marami na agad ang nawalan ng tahanan at ari-arian

- Bukod sa 1600 flights patungo at palabas ng Japan, kanselado na rin Rugby World Cup matches, at Suzuka Grand Prix

- Nakaranas din ng paglindol ang Japan ngunit wala namang inilabas na Tsunami warning

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang agad na nag-viral kung saan nakunan ang mga nakakikilabot na pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan.

Kuha raw ito sa unang oras ng bagyo sa naturang bansa.

Sa post na binahagi ng Wat Is Zis, makikita kung paano nagsiliparan na parang mga papel ang mga bubong at ilang bahagi ng kabahayan at gusali roon.

Maging ang mga sasakyan ay napapayad ng hangin na sobrang lakas nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Makikita rin ang mga poste ng kuryenteng pumuputok dahil sa pagtama ng mga nagliliparang piraso ng kahoy o bakal.

Kaugnay nito, kanselado ang nasa 1,600 na flights patungo at palabas ng Japan.

Gayundin ang gaganapin sanang Rugby World Cup matches at Suzuka Grand Prix.

Bukod sa napakalakas na bagyo, nakaranas din ng paglindol sa lugar kung saan nanalasa ang 'Hagibis'

Magnitude 5.7 ang pagyanig sa Kutsuura City sa Chiba. Wala namang itinaas na babala kaugnay sa Tsunami.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel