Regine Velasquez, humingi ng dispensa sa kanyang naging pahayag tungkol sa Payatas

Regine Velasquez, humingi ng dispensa sa kanyang naging pahayag tungkol sa Payatas

- Inihingi ng paumanhin ni Regine Velasquez ang kanyang naging pahayag sa kanyang vlog

- Naihambing niya ang amoy ng kanyang bag sa dating dumpsite sa Payatas, Quezon

- Pinuna ng ilang netizens ang kanyang nabanggit sa kanyang YouTube video tungkol sa Payatas

- Hinangaan naman ng mga netizens ang kanyang kababaang loob upang humingi ng dispensa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng dispensa ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Ito ay matapos niyang maihambing ang amoy ng kanyang bag sa kilalang dating dumpsite sa Payatas, Quezon City. Ito ay umani ng pambabatikos sa ilang netizens.

Sa isang tweet ay inihayag ng songbird ang kanyang taos-pusong paghingi ng dispensa.

Saad ni Regine, naging insensitive siya ngunit hindi niya ito sinadya. Gayunpaman, dapat umano siyang maging maingat sa kanyang mga sinasabi.

“I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say.”

Matatandaang sa kanyang vlog, ipinakita niya ang kanyang mga bags. Isa sa kanyang ipinakita ay ang isang malaking brown na bag na kanyang nabili sa Hong Kong.

“I think it’s the kind of leather,” saad niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi niya ang kanyang pagpunta sa Payatas para sa isang dokyumentaryo tungkol sa mga batang kalye, "Ka-amoy ‘yong bag ko ang Payatas.”

Ipinaamoy din niya sa anak niyang si Nate ang nasabing bag at makikitang hindi din nagustuhan ng bata ang amoy nito.

May mga nagsabing hindi naman kailangan humingi ng apology ni Regine. Gayunpaman, marami ang lalong humanga sa kanyang ginawa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Si Regine Velasquez ay ikinasal kay Ogie Alcasid noong Disyembre 2010. Noong Nobyembre 2011, ipinanganak ni Regine ang kanilang anak na si Nathan sa pamamagitan ng Cesarean. Si Ogie ay may dalawang anak na babae - sina Leila at Sarah - sa kanyang dating asawang si Michelle.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticising Her Ex Group “GirlTrends" | HumanMeter

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel