Grade 7 student sa viral na excuse letter, natulungan ng napakaraming netizens

Grade 7 student sa viral na excuse letter, natulungan ng napakaraming netizens

- Nakarating na ang mga paunang tulong ng netizens sa estudyanteng si Jerom Felipe

- Si Jerom ang Grade 7 student na nagbigay ng ngayo'y viral na excuse letter na binahagi ng kanyang gurong si Jenmarie Dullente

- Mula sa mga kapwa niya guro, ibang magulang sa paaralan at netizens di lamang sa bansa kundi sa ibang bahagi ng mundo ang nagpabatid ng tulong sa pamamagitan ni Teacher Jen

- Laking pasasalamat naman ng pamilya ni Jerom dahil mga biyayang ito sa kanilang pamilya lalo pa at di pa rin makapagmaneho ng tricycle ang kanyang ama

- Ayon sa guro, umpisa pa lamang daw ito at inaasahang dadagsa pang mga tulong sa pamilya ni Jerom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng ABS-CBN news ang larawan ni Jerom Felipe, ang Grade 7 student sa viral na excuse letter na naging daan para matulungan ng publiko ang kanyang pamilya.

Matatandaang, naging agaw eksena ang kanyang excuse letter na nai-post naman ng kanyang guro na si Jenmarie Dullente.

Sa liham, inamin ng ina ni Jerom na si Rosalinda ang totoong dahilan ng di pagpasok ng anak sa loob ng tatlong araw.

Wala raw itong makain dahil sa di rin makapaghanapbuhay ang amang tricycle driver dahil sira ang minamaneho nito. Una na itong naibalaita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dahil sa nag-viral ang post na ito ng guro, marami ang nagpadala ng personal message kay Teacher Jen at nagsabing nais nilang tulungan si Jerom.

Mula sa kanyang mga kapwa guro hanggang sa mga netizens na nasa ibang bansa, nagpabatid ang mga ito ng anumang maipadadalang tulong sa pamilya ng binatilyo.

Sadyang mahirap ang kalagayan nina Jerom dahil pinagkakasya lamang ng kanilang pamilya ang ₱200 kinikita noon ng kanyang ama sa maghapon.

Siyam pa silang magkakapatid at panglima sa Jerom sa mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman laking pasalamat nila nang naiabot na ni Teacher Jen ang mga pagkaing padala ng mga nagmalasakit kay Jerom at sa kanyang pamilya.

Ayon pa sa guro, pauna pa lamang ito at inaasahang dadagsa pa ang tulong sa kanyang estudyante na magmumula pa iba't ibang bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica