P244.9 million jackpot ng Ultra lotto, napanalunan ng iisang tao

P244.9 million jackpot ng Ultra lotto, napanalunan ng iisang tao

- Iisang mananaya lang ang naka-jackpot ng halos ₱245 million pesos

- Masasabing siya na ang pinakaswerte sa lahat ng nanalo nitong Oktubre 11 dahil ang ilan ay may ilang kombinasyon lamang ang nakuha at may kahati pa

- Wala namang nagwagi sa Mega Lotto 6/45 draw na may premyo sanang P68,200,555.20

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang napaka-swerteng mananaya ang naka-jackpot ng P244,927,422.40 sa Ultra Lotto draw nitong Biyernes, Oktubre 11.

Ayon sa GMA news, ang winning combination ng nanalo ay 55-16-17-09-52-20.

Mayroon namang 13 na nagwagi ng ₱131,960 dahil sa limang winning combination na kanilang nakuha.

Samantala, umabot naman sa 798 na mananaya ang nakakuha ng ₱1,710 para sa apat na winning combination.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa mga nakakuha naman ng tatlong tamang numero, 19,359 katao ang magkakamit lamang ng ₱24.

Wala namang pinalad na mag-uwi ng malaki-laking premyo ng Mega lotto na nagkakahalaga na ngayon ng ₱68,200,555.20.

Kaya naman masasabing mapalad ang mamaka-isang nanalo sa Ultra Lotto at tila para sa kanya talaga ang napakalaking biyayang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maaalalang minsan nang pinahinto ni Pangulong Duterte ang operasyon ng lotto sa ating bansa nito lamang kasalukuyang taon. Ito ay kaugnay sa mga alegasyon na may nangyayaring korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hulyo 31, nang muli itong magbalik operasyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel