Magandang balut vendor, inireklamo ng pangdarambong ng kanyang ex-BF

Magandang balut vendor, inireklamo ng pangdarambong ng kanyang ex-BF

- Pangloloko at panghuhuthot ang reklamo ng dating US Federral police officer sa dati niyang nobya

- Umabot daw sa tatlo hanggang apat na milyon ang nagastos niya para rito, sa pamilya at bisyo nito

- Bukod dito, inireklamo rin nito ang panglalalaki ng ex-GF na kasalukuyang anim na buwang buntis na kahit isang buwan palang silang hiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghihinagpis ang isang dating US Federral police officer na si Alberto Frio dahil sa pangloloko sa kanya ng kanyang dating nobya na si Ronelyn Solis, nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Reklamo ni Frio, paulit-ulit na lang daw ang panglalalaki nito at katunayan nga ay anim na buwan na pala itong buntis kahit pa nga isang buwan palang silang hiwalay nito.

Ayon pa rito, ilang ulit na niya itong nahuli at pinatawad ngunit patuloy pa rin ang pangangaliwa nito.

Kaya naman nais na lang daw niya na mabawi ang halos apat na milyong piso na nagastos niya para rito, sa pamilya at maging sa bisyo nito.

Ngunit mariin namang itinanggi ni Solis na umabot sa ganoong kalaking pera ang ibinigay nito sa kanya.

Bagamat inamin nito na nakabili siya ng bahay at lupa sa tulong ni Frio.

Hindi na rin nito naitanggi pa ang panglolokong ginawa sa lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pero ayon kay Solis, hindi siya humihingi at kusang ibinibigay ng dating nobyo ang mga nagastos nito sa kanya at maging sa kanyang pamilya.

Giit pa nito, matagal na siyang nakikipaghiwalay kay Frio ngunit wala umano siyang magawa dahil sa pananakot nito na itinanggi naman ng lalaki.

Nadiskubre na raw kasi niya na hindi pa pala ito tuluyang hiwalay sa dati nitong asawa at ayaw daw niyang maeskandalo pa.

Sa huli, pumayag naman si Solis na ibenta ang bahay at lupa na naipundar nilang dalawa at hatiin ito.

Ngunit nagmatigas naman si Frio na kasuhan ang ex-GF dahil hindi nito maibabalik ang halagang nais niya.

Ayon naman kay Solis, lahat ng binabawi nito ay kusa nitong ibinigay sa mga panahong sila ay nagsasama pa at wala siyang naipon mula roon.

Dahil hindi magkasundo, sinabi ni idol Raffy na dalhin na lang ang reklamo ni Frio sa korte na siyang magdedesisyon sa reklamo ng huli.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isa pang magandang Pinay ang hina-hunting ng kanyang mga ex-BF nang biglaang lumayas ito matapos makahuthot umano ng halos P4M!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Raffy Tulfo aired strong words against the Yllana brothers amid the controversy surrounding Yllana Brothers School. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel