“Jesus Shoes” ng Nike na may 'holy water' sa suwelas, binatikos ng netizens

“Jesus Shoes” ng Nike na may 'holy water' sa suwelas, binatikos ng netizens

- Di napigilan ng mga netizens na maglabas ng saloobin ukol sa bagong labas na sapatos ng Nike

- Tinawag nila itong 'Jesus Shoes' dahil mayroon itong crucifix sa may sintas, katagang 'INRI' at mayroon din itong 'holy water' sa suwelas

- Tinatayang nasa ₱129,000 ang halaga nito at mabilis daw naubos kahit sa unang labas pa lamang nito noong Martes, Oktubre 8.

- Habang ang ilan ay bumili at sinuportahan ang sinasabing "holy shoes" na ito, karamihan naman ay di natuwa at sinabing isa itong "blasphemy"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ang bagong labas na disenyo ng sapatos ng Nike ang "Jesus Shoes."

Ayon sa Philippine Star, nilabas ito sa market nito lamang Martes, Oktubre 8 at halos dalawang dosena na agad ang nabenta nito.

Nalaman ng KAMI na nagkakahalaga ito ng manumbas ₱129,000 ngunit marami ang di nagdalawang isip na magkaroon ng pares nito.

"Jesus shoes" ito kung tawagin dahil makikita ang maliit na crucifix sa may sintas ng sapatos. Gayundin ang katagang "INRI" na nasa likod na bahagi naman ng nito.

Ang mas lalong ikinaloka ng karamihan ay ang 'holy water' na nakalagay sa suwelas ng sapatos.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Habang ang iba ay nais makabili at nakikipag-agawan pa, tila mas marami ang nagsasabing di na yata ito tama.

May nakapagsabi pang ito raw ay halimbawa ng 'blasphemy' o ang pagsasabi ng di maganda sa relihiyon lalo na ang hayagang pang-iinsulto sa kinikilalang Diyos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga matatapang na komento ng netizens na karamihan ay pambabatikos sa sapatos na ito:

"Respect! Where is your respect, this is alarming!"
"So kaya ba mahal yung sapatos dahil sa material nung crucifix pati yung holy water?"
"Ay ang OA na ha... sobra na yan!"
"Blasphemy to! bad idea Nike..."
"Inegosyo ang diyos? Sablay tsong!"
"Collab with Christ? tsk... tsk... sobra na ito!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel