Dating kasambahay na umibig sa among 37 taon ang tanda sa kanya, pinabilib ang netizens

Dating kasambahay na umibig sa among 37 taon ang tanda sa kanya, pinabilib ang netizens

- Viral ang video ng Wowowin constestant na dating kasambahay na nakatuluyan ang kanyang amo

- 37 taon kasi ang agwat ng kanilang edad kaya mas lalong namangha ang mga nakapanood ng kanilang kwento

- May nakaraan man ang 72-anyos na lalaki, tanging ang 35-anyos na dating nag-aalaga ng kanyang apo ang kanyang pinakasalan

- Humanga ang mga netizens dahil ramdam daw nila ang tunay na pag-iibigan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw eksena sa social media ang nakakaantig na kwento ng pag-ibig ni Luz na contestant ng Wowowin.

Nalaman ng KAMI na dating kasambahay si Luz na napa-ibig ng kanyang amo na 37 taon ang tanda sa kanya.

Sa umpisa ng video ng episode na ito ng Wowowin, makulit pang pinakilala ni Luz ang kanyang mister na si Rod.

Laking gulat ng mga tao nang malaman na 72 na ang edad ng lalaki habang si Luz naman ay 35 lamang.

Doon pinaliwanag ni Rod na dating nag-aalaga ng kanyang mga apo si Luz.

Nang tanungin ng host ng programa na si Willie Revillame kung ano ang nagustuhan ng contestant sa mister, sinabi nitong maalaga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Aminado siyang ang ilan ay hinuhusgahan siya noon na maaring pera lamang ang habol niya kay Rod. Ngunit patunay daw ngayon na mahal niya talaga ang mister dahil kahit daw 'wala na itong pera' ay masaya silang nagsasama.

Mas lalong naging emosyonal ang lahat nang magbigay na ng mensahe si Rod sa misis na ikinasal nito lamang Mayo ng kasalukuyang taon.

Sinabi kasi ng mister na kahit siya ay mayroong nakaraan, tanging si Luz lamang ang pinag-alayan niya ng kanyang pangalan dahil ito lamang ang kanyang pinakasalan.

Nabiyayaan din sila ng isang anak at mapalad pa sila dahil mabait at matalino ang bata.

Masaya raw ang kanilang pagsasama na maging ang mga netizens ay nadama raw ito nang mapanood ang video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Very touching naman ang mesage ni tatay. All the best po para sa family nyo."
"Grabe...ramdam na ramdam ang totoong pagmamahal"
"Subra nakatouch ang kanilang mga buhay pag ibig s mga kwinto nila pati naluha"
"Happy family wow pumatak luha ko"
"Bihira lng po sa babae ang ganyan na kahit wlang pera aalagaan ang isang lalake di lng naman pera kundi totoong pag ibig kaya kudos kay kuya di nya binitawan c ate"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel