Lola na DH sa US, malaya na matapos ang 30 years mamasukan na walang sahod

Lola na DH sa US, malaya na matapos ang 30 years mamasukan na walang sahod

- Isang lola sa US ang nakaranas ng pang-aabuso at pagpapahirap ng kanyang amo

- Sa loob ng 30 years, hindi binibigyan ng sahod at 'di pinapakain nang maayos si Nanay Fedelina Lugasan

- Mabuti na lang ay nakalaya na siya ngayon at nag-e-enjoy na sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 83-year-old na Pinay ang nagdiwang ng kanyang birthday. Bukod pa rito, ipinagdiwang din niya ang kanyang kalayaan nang makawala na sa hirap na dinanas niya sa kanyang amo sa United States.

Nalaman ng KAMI na halos 30 years na namasukan si Nanay Fedelina Lugasan sa kanyang amo at hindi siya binabayaran, pinapakain nang maayos, at binibigyan ng day off nito.

Lola na DH sa US, malaya na matapos ang 30 years mamasukan na walang sahod

Photo from Asian Journal
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Asian Journal, noong Independence Day sa US noong July 4, 2019 ay nakamit na rin ni Nanay Fedelina ang tunay na kalayaan.

Siya ay nasagip ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at Pilipino Workers Center (PWC) sa Northridge, California noong nakaraang taon.

“Although we celebrate her freedom from slavery, it is a bittersweet victory knowing that Nanay Fedelina’s restitution did not even come close to a tenth of the back wages that she deserved,” sabi ni Aquilina Soriano Versoza, executive director ng PWC.

28 anyos pa lang si Nanay Fedelina ay dinala na siya sa US ng pamilya ng amo niya para mag-alaga ng kapatid nito na may sakit. Subalit, nauwi sa pag-aalaga ng lahat at paglilinis ng bahay ang nagig trabaho niya.

Hindi rin siya binibigyan ng sahod ng mga ito, hindi pinapakain nang maayos, at sa lapag lang pinapatulog.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Lola na DH sa US, malaya na matapos ang 30 years mamasukan na walang sahod

Photo from Asian Journal
Source: Facebook

Kwento pa niya, kinuha ng amo niya ang kanyang passport at birth certificate. Lagi rin daw siyang tinatakot ng mga ito na isusumbong sa mga pulis kapag umalis siya ng bahay nila.

“Her family would always tell me, ‘If you leave the house, we will call the police and tell them you stole many things.’ I was scared. I never stole anything. But I also did not know anyone or have anyone to help me. I did not want to be put in jail for something I did not do,” sabi ni Nanay Fedelina.

“I worked and worked even when both my hands and feet were hurting. When it got really bad, my tears would just roll down my cheeks. I felt so helpless,” dagdag niya pa.

Sa wakas ay tinatamasa na ngayon ni Nanay Fedelina ang kalayaan niya. Payo niya sa iba, huwag hayaan na sila ay maltratuhin at abusuhin ng mga amo nila.

“I am now happy and free. No longer held captive and being abused,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lola na DH sa US, malaya na matapos ang 30 years mamasukan na walang sahod

Photo from Asian Journal
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

What does Maine Mendoza think about working with Carlo Aquino? Which Kapamilya actor would the actress like to work with? And finally, what is Maine's biggest professional dream? Find out answers to these questions in our exclusive interview with the star — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel