Matinding pinsala sa katawan ni Dormitorio, lumutang sa inilabas na autopsy

Matinding pinsala sa katawan ni Dormitorio, lumutang sa inilabas na autopsy

- Kalunos-lunos ang naging resulta ng isinagawang autopsy sa katawan ni PMA Cadet Darwin Dormitorio

- Dito, lumutang ang napakatinding pinsalang tinamo nito mula sa pangmamaltrato ng kanyang mga upperclassmen

- Pitong kadete na sangkot dito ang sinampahan ng kaso kabilang ang dalawang opisyal at tatlong doktor ng PMA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi pa natapos ang pasakit para sa pamilya Dormitorio nang lumabas ang panibagong autopsy na isinagawa sa katawan ng yumaong si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Sa autopsy na nakuha ng GMA News, lumabas ang napakatinding pinsalang tinamo ni Darwin mula sa pangmamaltrato sa kanya ng mga upperclassmen nito.

Ayon sa ulat, lumobo ng kasing laki ng dalawang kamao ng isang adult ang mga maselang bahagi ng katawan ni Darwin at may apat na paso ring malapit dito.

May pasa rin sa ulo at namamaga ang utak at mga ugat sa ulo nito. Namamaga at may pasa rin ang dalawang kidneys nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pumutok din ang bahagi ng bituka ng yumaong kadete at puno rin ng dugo ang kanyang tiyan na umabot sa dalawang litro, na nakitaan rin ng matinding impeksyon.

Lumabas na namatay si Darwin dahil sa acute peritonitis secondary to blunt traumatic injury to the abdomen.

Una nang naiulat ng KAMI na sinampahan na ng kaso ang pitong kadete na sangkot sa pangmamaltrato kay Darwin.

Kabilang din sa mga sasampahan ng kaso ang dalawang opisyal at tatlong doktor ng Philippine Military Academy.

Bukod sa autopsy na ito, dati nang ibinahagi ng pamilya Dormitorio ang isang autopsy na isinagawa ng isang medico legal sa katawan ni Darwin.

Namatay si Darwin noong umaga ng September 18 dahil sa hazing ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP.

Ngunit bago nito, nakaranas pa si Darwin ng pananakit mula sa mga suspek base na rin sa timeline na ibinahagi ng PNP, na una nang naiulat ng KAMI.

Napag-alaman din na ilang beses na palang na-ospital ang yumaong kadete mula noong Agosto dahil sa dinanas na pananakit bago tuluyang bawian ng buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Raffy Tulfo aired strong words against the Yllana brothers amid the controversy surrounding Yllana Brothers School. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel